UP Press

I am currently on vacation and products from my shop will be unavailable for next few days. Thank you for your patience and apologize for any inconvenience.

Shambala at Iba Pang Dula

450.00

ni Erick Dasig Aguilar

ISBN/ISSN: 978621090068-2
Category: Literary; Plays
Copyright: 2024
Pages: 182pp
Dimensions: 6 x 0. 5 x 9 in.
Type: PB/SP

DESCRIPTION

ABOUT THE BOOK

“Mailap ang wika sa mga dula ni [Aguilar], pero ito rin ang ilap na hindi mahirap hagilapin.  Ang kanyang mga dula ay nakalunan sa pagitan, sa mga ditong hindi-dito pero hindi rin naman nalalayo sa pamilyar at pang-araw-araw. Nagagawa ng kanyang mga tauhan na sabay dumaing at magbunyi, magtaka at magsuri, mawalan at manaig sa mga espasyong ito. Madalas na ang pinakapakinabang sa dula na ibinubunyag ng porma ay upang magsiwalat ng pangakong kagalingan sa mga panlipunang sintomas; hindi para sa mga dula ni Aguilar. Sa halip, ang binubuklat at ang binubutingting ng kanyang mga dula’y ang hindi natin namamalayang lumilipas na sandali: ang panahon ay singhalaga ng pangyayari dahil, sa pagtatasa ng kanyang mga dula, panahon lamang din ang nakapagtatakda ng mga magsimbigat na halagahan ng hapdi at lugod, ang punong-hukom sa mga kasawiang nalalabi sa ating mga pagtatangka na magpakatao.”

—Carlo Pacolor Garcia

“Sa tatlong dula ni [Aguilar], wala nang ibang paggaganapan ang pagdidili-dili sa huling hantungan kundi sa purgatoryo. Dito, higit sa pagkabagot sa paghihintay, damang-dama ang pangamba ng kanyang mga tauhan na pawang nang-aapuhap ng kawakasan sa gitna ng nakakubli ngunit sumisingaw na dahas at pang-aapi. Gayunman, pilit na nagpupunyagi ang kanilang kamalayan bilang pagtutol sa pagkawalang-saysay ng kanilang buhay. Gayon ding tumututol ang mga akdang ito sa kumbensiyon ng dula ngayon. Dinig at pinaninindigan ng mandudula ang kanyang pagkamakata. Ganap at pambihira ang mga nabuong tauhan at uniberso.  Ang kambal na paghabi at pagbura ng oras at alaala.  At ang paghamon ng mga dula sa mga manonood (at ang mambabasa ay nanonood na rin) na makipagbuno sa kadiliman at kabanalan ng pagkatao. Kapana-panabik makatagpo ng ganitong mga likha, lalo na sa isang kahanga-hangang manunulat.”

—Joshua Lim So

 

ABOUT THE AUTHOR

Lumaki sa Krus na Ligas, si Erick Dasig Aguilar ang pangulo-sa-pagkakatatag ng KATAGA, Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas, noong 2008. Una nang nagwagi ang kanyang mga tula sa Talaang Ginto ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 2009 at 2011. Ang mga dulang Terminal at Shambala naman sa koleksiyong ito ay nagwagi na ng Gawad Palanca noong 2012 at 2014. Noong 2018 ay napagwagian ng kanyang dulang Solomon, itinanghal ng Dulaang Filipino, ang Premio Universidad Internacional de la Rioja (UNIR) Escenamateur al Mejor Espectáculo Internacional dentro de los Premios Escenamateur “Juan Mayorga” de las Artes Escénicas sa Madrid, Espanya.

RELATED PRODUCTS

You haven't viewed at any of the products yet.