Ang Buang ng Bayan Mga Maikling Kuwento
₱350.00
By Festin, Rowena P.
ISBN/ISSN: 978971542989-4
Category: Literary; Short Stories; Filipino
Copyright: 2022
Pages: 140pp
Size: 6 x 0.3 x 9 in.
Type: PB/SP
DESCRIPTION
ABOUT THE BOOK
Niyuyugyog ng mga kuwento ang mga pundasyon ng ating mga pagkatao. Marahas ang mga pagyugyog na iyon. Pero isang dahás iyon na hindi pisikal. Hindi parang lindol na ilang segundo o ilang minuto ay gumuho na, nagkalamat, nabiyak, natibag ang mahihina ang pundasyon. Hindi ganoong dahás ang pagyugyog ng lindol ng mga kuwento ni Wena. Malumanay ang mga pagyugyog, dahan-dahan, paisa-isa, halos hindi pansin, halos hindi damá. Parang gumuguhong bundok na hindi namamalayan, ’yung tipong paisa-isang natitipak ang mga bato, paisa-isang gumugulong ang mga tipak, pakonti-konting dumadausdos ang mga buhangin, hindi minu-minuto kundi linggo-linggo lang o buwan-buwan o taon-taon, ganoong kabagal na mga pagguho. Parang búhay, isang walang-lubay na pagyugyog sa paggunaw sa mga kabuuan ng búhay, mga walang-lubay na paggunaw sa loob, habang nanginginig ang mundo. Hindi ganap na damá ang mga ganitong paggunaw, pero alam mong nadarama mo, walang hinto, walang tigil, araw-araw, at alam mong hanggang dulo ng búhay.
Eli Rueda Guieb III
Mula sa Introduksiyon
ABOUT THE AUTHOR
Si Rowena P. Festin ay nagtuturo sa Unibersidad ng Pilipinas, Pampanga. Nagkamit ng pagkilala ang kaniyang mga tula at maikling kuwento sa Don Carlos Palanca Memorial Awards at Gawad Galian. Kinilala rin siyang Makata ng Taon ng Komisyon sa Wikang Filipino. Kinilala ng National Book Development Board (NBDB) at Manila Critics Circle (MCC) ang aklat niyang Banayad bilang pinakamahusay na aklat ng mga tula sa Filipino para sa taong 2017. Ang kaniyang mga tula, maikling kuwento, at mga kritikal na sanaysay tungkol sa panitikan at kulturang Filipino ay nailathala sa mga lokal at internasyonal na dyornal at antolohiya.