UP Press

; (Ano)

By Denolo, Zeno Antonio (Zero A.D.)

ISBN/ISSN: 978971542980-1
Category: Literature; Fiction; Filipino
Copyright: 2022
Pages: 250pp
Size: 6 x 0.5 x 9 in.
Type: PB/SP
Weight: 450g

450.00

Description

ABOUT THE BOOK

Kung nagbabalak kang basahin ang akdang ’to, maghanda ka ng isang banig na paracetamol para sa first four chapters, Mefenamic kung kailangan, at kung DDS ka ay mabuti kung may Losartan kang naka-ready for the rest of the novel. Sa mga delawan at komonesta naman ay makatutulong ang panyo o bimpo dahil tiyak na iiyak kayo—sa katatawa. Kung may balak ka namang tapusin ay bumili ka na rin ng sleeping pills dahil hindi ka patutulugin ng nobelang ito. Hindi mo na matatakasan ang lilikhaing imahen ng nobelang ito sa imahinasyon mo. Tiyak ’yan.

Raymundo “Pangz” Reyes Jr., PUPian. Para kay Charmi pa rin.

Habang pinupulutan ang “Truth Decay” sa usapang lasing ng mga thinker at scholar, nagagawa ng mga nasa poder na makontrol ang gawi at pag-uugali ng sambayanan dahil nakokontrol nila ang naratibo, ang wika, ang diskurso— at sa dulo ang totoo; pero, may isang Zero, at sa pamamagitan ng kaniyang “Ano,” malamang, aanuhin nito ang ano natin. Hindi man tayo magkaano-ano, sa palagay ko, kahit paano, nagkakaintindihan tayo, ano?

Eros S. Atalia, Nang-aano ng ano ni ano

ABOUT THE AUTHOR

Si Zeno Antonio Denolo (Zero A.D.) ay ang punong tagapag-alaga ni Chuchay (pusa). Siya rin ang awtor ng nobelang “Überman” na unang iniluwal bilang self- published book (2015) at kalauna’y inilathala ng Anvil Publishing Inc. (2016).

Additional information

Weight 450 g
Dimensions 6 × 1 × 9 in

Recently Viewed

You haven't viewed at any of the products yet.