Ang Sociedad ng mga Manananggal (The Philippine Writers Series 2026)
₱600.00
ni Alvin Yapan
ISBN/ISSN: 978621090152-8
Category: Literary; Speculative Fiction; Science Fiction; Folklore
Copyright: 2026
Pages: 266pp
Dimensions: 6 x 9 in.
Type: PB/SP
DESCRIPTION
ABOUT THE BOOK
Nagpapaligsahan sa loob ng industriya ng parmasyutika ang dalawang kompanya ng Sociedad Científica at RF Health Foundation upang pagkakitaan ang sobrenatural na yaman sa kapuluan. Nagbebenta ng imortalidad ang Sociedad sa pamamagitan ng programa ng manananggal na bukas lamang sa isang eksklusibong listahan ng mga kliyente na bumabalik pa sa panahon ng pananakop ng mga Español sa kapuluan. Sa kabilang banda, nais agawin ng Foundation sa Sociedad ang pangunguna nito sa merkado sa pamamagitan ng tinagurian nitong demokratisadong pagbebenta ng mga sisiw ng manananggal, ang glandula herencia, na sinaka lamang sa loob ng mga laboratoryo. Sa gitna ng kanilang paligsahan, maglulunsad ang mga mambabarang at aswang ng kanilang plano upang bawiin ang ninakaw sa kanilang kapangyarihan ng mga nabanggit na dayuhang kompanya. Nais nilang ibalik sa mga tao ang takot sa mga manananggal at iba pang nilalang na sobrenatural sa gitna ng pananalasa ng pandemya ng COVID-19 at digmaan ng gobyerno laban sa droga. Mababasa sa loob ng nobela ang ilang kabanatang nasa anyo ng artikulong pandyornal, mga antropolohikong tala, mga katitikan ng kumperensiya, at iba pang katulad na mga anyo.
ABOUT THE AUTHOR
Isang kuwentista sa Filipino si Alvin Yapan. Kabilang sa mga gawa niya ang historikal na nobela na Ang Sandali ng mga Mata (Time of the Eye, 2006), na nagkamit ng grant para sa salin sa Ingles ni Christian Jil Benitez mula sa PEN Presents x International Booker Prize, at ang koleksiyon ng mga maikling kuwento na Sangkatauhan Sangkahayupan (Humanity Bestiary, 2016), parehong nanalo ng National Book Award ng Pilipinas. Isinalin sa Ingles ang kaniyang nobelang Sambahin ang Katawan (2011) bilang Worship the Body (2024) na inilathala ng Penguin SEA. Nakatuon ang pananaliksik niya sa katutubong estetika, mga anyong epiko, at panitikan sa Filipino. Nanalo ang kaniyang aklat na Ang Bisa ng Pag-uulit sa Katutubong Panitikan (The Efficacy of Repetition in Folk Literature, 2023) ng National Book Award para sa Panunuring Pampanitikan at Kultural na Pag-aaral. Nagtuturo siya ng panitikang Filipino sa Pamantasang Ateneo de Manila. Gumagawa rin siya ng pelikula.