I am currently on vacation and products from my shop will be unavailable for next few days. Thank you for your patience and apologize for any inconvenience.
Makata, kritika, kuwentista, at tagasalin, si Lilia Quindoza Santiago o LQS ay nagtapos ng A.B. English (cum laude) sa Unibersidad ng Pilipinas, M.A. Com-parative Literature at Ph.D. Philippine Studies sa U.P. rin. Awtor siya ng Kagampan (Pregnant, 1989) koleksiyon ng mga tula, Manggagamot ng Salaysalay (1989), koleksiyon ng mga maikling kuwento, at Sa Ngalan ng Ina (1997), librong sumusuri sa kasaysayan ng panulaan ng kababaihan sa Pilipinas. Editor siya ng kalipunan ng mga sanaysay na ginawang textbuk, ang Mga Idea at Estilo (1995) at patuloy na sinasaliksik ang kasaysayan upang tuklasin ang mga aspekto ng buhay, kultura at sining na kailangang mailagda sa gunita ng mga Pilipino. Ina siya ng apat na anak, at kasalukuyang Associate Professor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas; Kolehiyo ng Arte at Literatura, U.P.