Bailaya: Mga Dula Para sa Kababaihan
₱195.00
ni Joi Barrios
ISBN/ISSN: 971-542-147-4
Category: Literary; Play; Drama; Theater
Copyright: 1997
Pages: 216pp
Dimensions: 5 x 0. 6 x 8 in.
Type: PB/BP
DESCRIPTION
ABOUT THE BOOK
Ang librong BAILAYA ay kalipunan ng mga dulang “Las Via-jeras,” “Damas de Noche,” “Rebolusyonarya,” at “Bailaya.” Dalawa sa mga dulang ito ay natanghal na ng Philippine Educational Theater Association (PETA) át UP Playwrights’ Theater. Pangunahing tauhan ng mga dula ang mga babaeng madalas ay hindi nagiging bida sa kasaysayan: ang babaeng mandirigma ng epiko, ang Katipunera, ang mga puta o mujeres indocumentada sa pagpapalit ng siglo, ang mga balo ng mga pambansang bayani. Sinulat ang mga dula para sa teatrong pangkababaihan: mga artistang babae, direktor na babae, at mga manonood na babae.
ABOUT THE AUTHOR
Si JOI BARRIOS ay guro sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa UP Dili-man. Bukod sa pagiging mandudula, isa rin si-yang makata, manunulat ng romance novels, at theater artist. Kasa-lukuyan siyang Associate for Fiction ng UP Creative Writing Center. Noong 1990, inilathala ng Institute of Women’s Studies (IWS) ang kanyang kalipunan ng mga tula na pinamagatang “Ang Pagiging Babae ay Pamumuhay sa Panahon ng Digma.” Ang kanyang mga panulat ay tumanggap ng parangal mula sa Palanca Awards, CCP at Surian ng Wikang Pambansa. Kasapi siya ng ORATURA at ng Congress of Teachers for Nationalism and Democracy (CONTEND).