I am currently on vacation and products from my shop will be unavailable for next few days. Thank you for your patience and apologize for any inconvenience.
Koleksiyon ito ng mga kuwento ng pag-ibig para sa sinumang nakaranas na ng kakaibang uri ng pag-ibig—ibig sabihin, lahat ng taong nakaranas na ng pag-ibig. Mula May-December affair hanggang pakikiapid, wala ritong romansang hindi ginalugad. Kung ang hanap mo ay eros, philia, o—susmaryosep!—agape, ang librong ito ay para sa iyo.
“Transgresibo.”
— Jun Cruz Reyes
“Masarap basahin ang mga kuwento ni U—magaan ang wika, mahilig magpatawa ang mga tauhan, mapag-anyaya ang pamilyaridad ng milieu—pero mahirap ipaliwanag, dahil laging nanggugulat, naninindak.”