Laksang Pakpak na Pumapagaspas: Mga Kuwento
₱500.00
ni Jay Jomar F. Quintos
ISBN/ISSN: 9786210900972
Category: Literary; Short Stories; Social Justice
Copyright: 2025
Pages: 220pp
Dimensions: 5.5 x 1 x 8.5 in.
Type: PB/SP
DESCRIPTION
ABOUT THE BOOK
Ang aklat ay binubuo ng labing-isang kuwento na umiinog ang naratibo sa iba-ibang lugar sa Mindanaw na kadalasan ay sa lungsod ng Davao. Nakaugnay ang bawat kuwento sa mga kayarian at kabatirang nakaangkla sa konstelasyon ng kaalamang-bayan, araling Mindanaw at Sulu, at politika. Ang mga piyesa sa aklat ay masasabing bunga ng halos isang dekadang pananaliksik at pamamalagi sa isla rehiyon at karatig na arkipelago ng Mindanaw at Sulu. Kalakip ng mga kuwento sa aklat ang hinaharayang kasaysayan ng emosyon na nagtatampok sa patuloy na armadong pakikibaka sa kabukiran, oral na tradisyon ng mga Tausug, politika ng mga makapangyarihang balyan, naratibo ng extra-judicial killings, mga natapos at hindi natapos na pagnanasa, at pag-aasam sa panlipunang katarungan ng makapangyarihang tanod ng Bundok Apo. Kung minsa’y tradisyunal ang anyo ng mga kuwento na sumusunod sa kumbensyon ng nakagisnang maikling kuwento, ngunit kadalasan naman ay may pagtatangkang maging eksperimental na sinusubukang hamunin ang porma ng binabanggit na anyong pampanitikan sa pamamagitan ng mga talababa, alaala, Wikipedia format, bakas, at kung ano ang mga nalalabi.
ABOUT THE AUTHOR
Si Jay Jomar F. Quintos ay guro ng panitikan at araling Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Kasalukuyan niyang tinatapos ang kanyang doktorado sa Indigenous Studies sa Ōtākou Whakaihu Waka | The University of Otago sa Ōtepoti, Aotearoa. Bukod sa pagsusulat ng mga malikhaing akda, nagsusulat din siya ng mga kritikal na sanaysay na umiinog sa panitikang rehiyunal, araling pampelikula, at oral na panitikan ng Mindanaw at Sulu.