Mga Idea at Estilo Komposisyong Pangkolehiyo sa Wikang Filipino
₱250.00
ni Lilia Quindoza Santiago
ISBN/ISSN: 9715420710
Category: Literary theory, Literary criticism
Copyright: 1995
Pages: 264pp
Dimensions: 6 x 0. 8 x 9 in.
Type: PB/BP
DESCRIPTION
ABOUT THE BOOK
Ang pag-aaral ng idea at kung papaano nabubuo ang mga ito: paglulunsad ng diskurso tungkol sa mga idea at ang pagsisinop ng estilo sa pagsulat upang mabisang ipahayag ang mga idea ay susi sa lalong pagyabong at pagyaman di lamang ng wikang pambansa kundi ng kamalayang Filipino. Itinatampok ang tatlong aktibidad na ito sa librong ito. Tampok dito ang ilang namumukod na sanaysay ng mga manunulat at akademiko.
Almario ● Atienza ● Azurin ● Claudio ● Covar ● Diokno ● Gealogo ● Guillermo ● Jocano ● Jamilosa-Silapan ● Jose ● Polo ● Salazar ● Tan ● Tiamson-Rubin ● Torres
ABOUT THE EDITOR
Si LILIA QUINDOZA SANTIAGO ay manunulat, makata, kuwentista, kritiko at guro ng wika at panitikan ng Pilipinas. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, U.P. Nagtapos siya ng A.B. English (cum laude, 1971), M.A. Comparative Literature (1980) at Ph.D. Philippine Studies (1991) sa U.P. Siya ang kauna-unahang babae na naging Editor ng Diliman Review, journal ng arte at literatura, agham at agham panlipunan sa U.P. Naging Makata ng Taon ng 1989, natamo na niya ang iba’t ibang karangalan at gantimpala mula sa Palanca Memorial Awards for Literature, Cultural Center of the Philippines at Surian ng Wikang Pambansa, ngayo’y Komisyon ng Wikang Filipino. Siya rin ngayon ang Coordinatorng Programa sa Publikasyon ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, U.P.