Naratibô
₱450.00
ni Bernadette Villanueva Neri
ISBN/ISSN: 978621090121-4
Category: Literary, Literary – Fiction
Copyright: 2025
Pages: 156pp
Dimensions: 4 x 1 x 8 in.
Type: SB/PB
DESCRIPTION
ABOUT THE BOOK
Ipinakikilala ng Naratibô ang malay na proseso ng pag-akda tungkol sa lesbiyanang pag-iral na hindi lamang nakasentro sa danas ng panggitnang uri at nasa lungsod, kundi nakaugat din sa konteksto ng kasaysayan at kalinangang Pilipino. Sinisikap talakayin dito ang karanasang lesbiyana hindi lang mula sa punto-de-bista ng mga lesbiyana kundi maging sa pananaw ng mga nakapaligid sa kanila.
Matutunghayan din ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkatha na sabayang sumusuhay at bumabangga sa umiiral nang kanon at tradisyong pampanitikan. Maaaring basahin din ang Naratibô bilang asersiyon ng lesbiyanang identidad hindi lang sa konteksto ng cis hetero-patriyakal na lipunan, kung hindi maging sa nananaig na tradisyonal at konserbatibong panitikang iniluluwal nito.
ABOUT THE AUTHOR
Guro si Bernadette “Det” Villanueva Neri sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Diliman. Ginawa niya ang neolohismong naratibô o naratibo ng mga tibô bilang malay na pagkatha hinggil sa danas ng mga Pilipinang lesbiyana. Anim na beses na siyang nagwagi sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Dati siyang coordinator ng UP Diliman Gender Office (2013-2015) at Deputy Director ng UP Center Women’s and Gender Studies (2016-2017).
Awtor din siya ng mga aklat-pambatang may ilustrasyon na Ang Ikaklit sa Aming Hardin (2012), Ang Misteryo ng Patong- patong na Damit ni Hulyan (2021), at Si Gren, ang Kaibigan kong Alien (2024).