UP Press

I am currently on vacation and products from my shop will be unavailable for next few days. Thank you for your patience and apologize for any inconvenience.

Pan de Monio (The Philippine Writers Series 2025)

₱550.00

ni Rommel Fabros Bonus

ISBN/ISSN: 978621090110-8
Category: Literary; Fiction; Novel
Copyright: 2025
Pages: 218pp
Size: 6×9
Type: PB/SP

SKU: 0742 Categories: , Tag:

DESCRIPTION

ABOUT THE BOOK

Halos kalahating siglo bago ang rebolusyon, isang lumang krokis ng mapa ang matutuklasan ng mga batang sina Teroy at Aves. Tila bugtong itong magtutulak sa kanilang bakasin ang landas ng demonyo at hanapin ang nawawalang larawan ng Birhen.

Sa unang nobelang ito ni Rommel Fabros Bonus ay adbenturero tayong makikipagniig at makikihamok sa mga demonyo ng ating kolonyal na kalagayan upang muling umalala sa gitna ng mga trahedya ng pagkalimot.

 

ABOUT THE AUTHOR

Si Rommel Fabros Bonus ay isang multitalented artist na patuloy na nire-re-imbento at nire-redefine ang kanyang sarili. Bilang kuwentista ay nakatanggap siya ng iba’t ibang parangal tulad ng Gawad Rogelio Sicat ng Unibersidad ng Pilipinas noong 2019. Bilang makata ay kasapi siya ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), at ginawaran sa Saranggola Awards noong 2017. Ang mga nobela niya ay kinilala sa Normal Awards ng Philippine Normal University noong 2020 at Lampara Prize noong 2021. Bilang sanaysayista, ang una niyang librong Ilang Bitbit sa Pagsagip sa Sarili ay finalist sa Madrigal-Gonzalez Best First Book Awards 2020. Bilang musiko at singer-songwriter, itinatanghal niya ang kanyang mga sinulat na kanta sa iba’t ibang event sa bansa. Pinarangalan ding Grand Prize winner ang kanyang komposisyon sa 75th Anniversary Celebration ng Philippines-Micronesia Church of the Nazarene noong 2022. Noong 2019 ay ginawan ng adaptasyon bilang musical play ng Teatro Tipolo ang kanyang mga kantang “Kalsada” at “Dito.” Bilang akademiko, nailathala ang kanyang mga artikulo at saliksik sa mga journal tulad ng Saliksik E-Journal at Ani Journal, at makailang ulit naimbitahang tagapagsalita sa mga seminar, palihan, at kumperensiya. Nagtapos siya ng Master of Arts Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman at kinilala ng unibersidad sa Parangal sa Mag-aaral noong 2023 at 2024. Naging writing fellow siya ng iba’t ibang writing workshop tulad ng 62nd UP National Writers Workshop at UST Creative Writing Workshop 2020. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng panitikan, kulturang popular, wika, at araling panlipunan sa Unibersidad ng Rizal System Antipolo, at mag-aaral ng PhD Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Ipinangak noong 1997 ng Ilocanang ina na mula Ilocos at Tarlac, at Bicolanong ama na mula Sorsogon, isinilang at nakatira siya sa Lungsod ng Antipolo.

RELATED PRODUCTS

You haven't viewed at any of the products yet.