Sa Ibang Kariktan
₱400.00
ni Mesándel Virtusio Arguelles
ISBN/ISSN: 9786210900736
Category: Literary Criticism/Literary Studies/Language Studies
Copyright: 2024
Pages: 174pp
Dimensions: 5.75 x 0.5 x 8 in.
Type: PB/SP
DESCRIPTION
ABOUT THE BOOK
Ang Sa Ibang Kariktan ay koleksiyon ng mga maiikling sanaysay hinggil sa panitikan at sining. Presentasyon at selebrasyon ito ng mga salita at imahen ng ibang manunulat at manlilikha na nasa anyo ng kritisismong ginagabayan ng konsiderasyong estetiko, etikal, at politikal samantalang humihilig patungo sa personal at malikhain sa halip na akademiko at pormal.
ABOUT THE AUTHOR
Si Mesándel Virtusio Arguelles ay editor, tagasalin, at guro ng panitikan at malikhaing pagsulat sa De La Salle University–Manila, pinagtapusan niya ng PhD sa Literatura. Saklaw ng kanyang interes ang kontemporaneong sining, konseptuwal na pagsulat, pelikula at bidyo, instalasyon, found object, at eksperimentasyong text-based kaugnay ng mga konsepto ng panahon, alaala, wika, kawalan, kaakuhan, anonimidad, sex, at intimacy. Ang mga salin sa Ingles ni Kristine Ong Muslim ng kanyang mga tula ay nalathala na sa iba’t ibang journal, magasin, at antolohiya tulad ng Asymptote, Words Without Borders, Copper Nickel, at Poetry London. Noong 2018, itinanghal ang Antares, una niyang solo exhibition, sa Nomina Nuda sa Los Baños, Laguna, at inilabas din ang Namamatay ang mga Nagmamahal, isang 17- track CD album ng kanyang mga tulang nilapatan ng musika katuwang ang ilang manunulat- musikero. Nagkamit ng mga parangal gaya ng Gantimpalang Palanca, Maningning Miclat Poetry Award, at Gintong Aklat Award at nagawaran ng mga fellowship mula sa UP National Writers Workshop at Bienvenido N. Santos Creative Writing Center National Workshop on Art and Cultural Criticism, awtor siya ng higit 30 aklat ng tula, sanaysay, at nobela kabilang ang Atra: Mga Tula 1999–2019 (Balangay Books, 2020) at Three Books (Broken Sleep Books, 2020), na pinili ng makatang Ilya Kaminsky para sa Poetry Book Society UK Autumn 2020 Translation Choice. Ang pinakabago niyang mga aklat ay Laging Patungo, Monstruo, at “Not the Stuff of Sonnets”: Ilang Talâ sa Sonetoismo na pawang inilathala ng De La Salle University Publishing House ngayong 2024.