UP Press

I am currently on vacation and products from my shop will be unavailable for next few days. Thank you for your patience and apologize for any inconvenience.

Sad-sadan, Happy-hapihan Mga Kuwento ng Pag-ibig

300.00

By Teodoro, John Iremil

ISBN/ISSN: 978971542905-4
Category: Literature; Short Stories; Filipino
Copyright: 2019
Pages: 124pp
Size: 6×9
Type: PB/SP
Weight: 160g

DESCRIPTION

Nagpapahayag ang koleksiyong Sad-sadan, Happy-hapihan ng hindi nag-aalangang pagkukuwento ng pananaw-sa-daigdig ng bakla. Hindi na ito ang may bahid ng pagkukubli (isipin na naisulat ito halos isang dekada na ang nakararaan) kung kaya maituturing na siyang pangunahing ambag sa fiction sa Filipino. Sa madaling sabi, ang ipinapahayag na politika nito sa kalahatan ay mapagpalaya. Hindi na pinagmumulan ng ligalig ang kaisipang bakla, na baka maging hindi katanggap-tanggap sa mambabasa ang kuwentong nabuo ng awtor. Matapang siya kung ganoon sa pagpalaot sa larang na ito. Mahusay ang pagkakasulat ng mga kuwento. Sa maikli at katamtamang haba ng pagsasalaysay ay naisasagawa ang layuning maipahayag ang mga karanasang madalas na hindi nabibigyan ng puwang sa popular na lathalain at sa mga textbook. Isa itong ambag sa lumalawak na pangangailangan na magkaroon ng mga babasahing LGBTQ na sumasalamin sa pagsisikap ng sektor na makalaya sa heteronormatibong literatura.

—Romulo Baquiran Jr.

RELATED PRODUCTS

You haven't viewed at any of the products yet.