UP Press

I am currently on vacation and products from my shop will be unavailable for next few days. Thank you for your patience and apologize for any inconvenience.

Si Maria Makiling at ang Lihim ng Lagusang Dalem: Ikatlong Aklat

₱450.00

ni Will P. Ortiz

ISBN/ISSN: 978621090041-5
Category: Literary; Fiction; Filipino
Copyright: 2024
Pages: 167pp
Dimensions: 6 x 0. 6 x 9
Type: PB/SP

SKU: 0677 Categories: , Tag:

DESCRIPTION

ABOUT THE BOOK

Makapagpupunla sa isip ng mga mambabasa tungkol sa mahahalagang yugto ng ating kasaysayan ang bagong nobelang pangkabataan ni Will P. Ortiz. Sa maingat na pagsasanib ng kagila-gilalas at ng mga dokumentong pangkasaysayan gamit ang estilong pinagdugtong-dugtong na dagli o maiikling kabanata, matutuklasan ng kabataan ang kapangyarihan bilang mga mapanuri at makalipunang mambabasa. Hindi pinagaan kundi inialay sa kakayahan ng kabataan; hindi lamang aliwan kundi mapanghikayat sa panibagong landas ng pag-aakda para sa kabataang Pilipino na gagabay kung paano sisipatin ang nakalipas at ang hinaharap. Ito ang perpektong aklat para sa mga mambabasang handang tuklasin ang kolonyal at masisidhing kabanata ng kuwento ng ating bansa.
Ganito ang nobelang pangkabataan na kailangan natin ngayon.

Eugene Y. Evasco
Premyadong manunulat at propesor, UP Diliman


Nakaangkla sa kasaysayan ang pantastiko sa nobela ni Will P. Ortiz. Inaanyayahan tayo nito sa pag-ukilkil sa malayong nakalipas. Habang sinusundan ang pakikipagsapalaran ni Aya Aquiling, natatalisod natin ang mumunting piraso ng nakaraan, at may mumunting kibot mula sa ating atay.

Maricristh T. Magaling
Premyadong manunulat at guro, Bulacan State University


Ganito inilarawan ni Will ang balete: “Nagiging ginintuang dilaw ang mga dahon ng baleteng mamamaalam na sa sinag ng pababang araw.”
Sa baleteng ito, nakilala ko si Malina, ang pinakamatandang diwatang may napakalakas na kapangyarihan.
Sana ay makilala mo rin siya at ang ibang mga diwata habang binabasa ang nobelang ito, at habang tinutuklas ang lihim ng Lagusang Dalem.

Rowena Festin
Premyadong manunulat at guro, UP Pampanga

 

ABOUT THE AUTHOR

Si Will Ortiz ay awtor ng Bugtong ng Buwan at Iba Pang Kuwento (UP Press, 2011), na nanalo ng Madrigal-Gonzalez Best First Book Award, at mga kuwentong pambata, sanaysay, at tulang pambata na nanalo sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.

RELATED PRODUCTS