UP Press

I am currently on vacation and products from my shop will be unavailable for next few days. Thank you for your patience and apologize for any inconvenience.

Subtyrranicon

650.00

by Khavn

ISBN/ISSN: 978621090150-4
Category: Literary; Poetry
Copyright: 2026
Pages: 96pp
Dimensions: 7.5 x 7.5 in.
Type: PB/SP

Categories: , Tag:

DESCRIPTION

ABOUT THE BOOK
“Hayop kung tumanaw sa daigdig si Khavn; at hayop din kung paano niya tinumbasan sa masining na paraan ng mga hulagway, signo, at sagisag ang kaniyang mga tulang hindi magpapakahon.”​​​​​​​​​​

— Roberto T. Añonuevo

 

“Hindi mapakali ang mga bagay-bagay sa bagong koleksiyon ng mga tula ni Khavn. Sa likot ng isip ng makata, kumakawala sila sa nakamihasnang mga pagpapakahulugan. Sa likhang-salita na pamagat pa lamang, Subtyrranicon, mahihiwatigan na ang mapaglarong pananaw. May kung anong sinaunang halimaw na nais buhayin o ilap na nais tugisin at palagusin sa kasukalan o hawan ng pahina. Hinahayaan niyang dumulas sa pandama at isipan, na parang baboy na nilangisan sa piyesta upang guluhin ang ating mga katiyakan. Ngunit sa kabila ng panunudyo at kapilyuhan, may kirot na mahihiwatigan sa ubod ng mga tula. May pangungulila sa hindi mawikang kawalan na nananahan lagi sa dulo ng dila. Sa ganitong aklat nagbabanyuhay ang wika ng pagtula.”

— Allan Popa

 

ABOUT THE AUTHOR

Si Khavn ay premyadong nobelista, makata, mandudula, manunulat ng awit at pelikula. Mula dekada ’90, hinahabi niya ang tampalasang panitikan na pinagsasalikop ang banal at bagamundo, ang mitikal at radikal. Kabilang sa kanyang mga akda ang Ultraviolins (maiikling kwento, UP Press, 2008), Shockbox (tula, UP Press, 2013), Antimarcos (nobela, Ateneo, 2024), Philippine No Wave (pelikula, 2010), Under The Storm (antolohiya ng tula, 2011), at Larombata (tula, 1997).

RELATED PRODUCTS

You haven't viewed at any of the products yet.