UP Press

I am currently on vacation and products from my shop will be unavailable for next few days. Thank you for your patience and apologize for any inconvenience.

Tokhang at Iba Pang Nanlabang Sanaysay (The Philippine Writers Series 2023)

₱500.00

ni Vim Nadera

ISBN/ISSN: 9786210900576
Category: Literary; Essays; Creative Nonfiction
Copyright: 2024
Pages: 198Pp
Dimensions: 6 x 0.5 x 9 in.
Type: PB/BP

 

DESCRIPTION

ABOUT THE BOOK

Ikatlo ito sa kung tawagin ay “Terapiya Trilohiya” ni Vim Nadera na unang naglabas ng Gadaling-Noo (2021), isang kalipunan ng mga tula, at Kumusta, 2020? (2022), isang koleksiyon ng mga sanaysay na isinilang sa panahon ng pandemya. Itinuturing itong gamot na personal, kaya politikal din, ng awtor na nakaligtas sa atake sa puso noong 2023. Siya ay aktibong kasaping tagapagtatag ng Filipinas Institute of Translation (FIT) na pinili ang “tokhang” bilang Salita ng Taon noong 2018. Kinalaunan, ang nasabing proyekto ng FIT ay pinaralisa matapos nitong hirangin ang “pandemya” bilang Salita ng Taon noong 2020. Inaasahang ang aklat na ito ay mabubuhay upang ipagpatuloy ang pagsasalaysay bilang anyo ng pagpapagaling.

 

ABOUT THE AUTHOR

Si Victor Emmanuel Carmelo D. Nadera Jr. ay propesor sa UP Diliman. Kasalukuyan siyang fellow ng UP Institute of Creative Writing (ICW) na pinaglingkuran niya bilang direktor, 2003—2008, habang siya rin ay tagapangulo ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas. Bilang makata, ang kaniyang mga tula ay nalathala na sa iba’t ibang antolohiya at natipon na rin sa maraming aklat. Bilang sanaysayista, nailathala na ang kaniyang mga artikulo at pag-aaral. Kolumnista siya ng Hataw, Liwayway, at Rappler na nasa likod ng tagumpay ng sinimulan niyang patimpalak sa pagsulat ng COVIDiona, COVIDagli, at COVIDalit. Itinuturing siyang tagapanguna at nangungunang performance artist o tagapagtanghal ng tula. Festival director siya ng Performatura International Performance Literature Festival ng Cultural Center of the Philippines noong 2015, 2017, 2019, at 2021.

RELATED PRODUCTS

You haven't viewed at any of the products yet.