Yanong Libingan: mga maikling kuwento
₱750.00
ni R. B. Abiva
ISBN/ISSN: 978621090116-0
Category: Literary; Short Stories; Social conflict in Literature
Copyright: 2025
Pages: 348pp
Dimensions: 6 x 1 x 9 in.
Type: PB/SP
DESCRIPTION
ABOUT THE BOOK
Ang mga kuwento ni R. B. Abiva ay nagtataglay ng paksa at nilalamang makabuluhan sa ating panahon, isang dokumentasyon sa isang katotohanang malimit lang nating mabása sa diyaryo ngunit ngayo’y mula sa kaniyang personal na karanasan bilang itinapon sa Gulag. Nasa kaniyang introduksiyon naman na naghahalo ang totoo at katha sa mga kuwento at tauhan ng kuwento niya. Subalit mga padron ang kaniyang mga kuwento at tauhan tungkol sa malalagim na realidad na dinanas niya. Malakas ang impluwensiya sa kaniya ng akdang Gulag Archipelago ni Aleksandr Solzhenitsyn at madidilim na pangitain ng mundo ni Dostoevsky—at ito’y makikita sa mismong paggamit niya ng alusyon sa mga naturang akda at awtor na Russian sa kaniyang pagkukuwento. At ito marahil ay sanhi ng kaniyang pakiramdam na magkahawig na magkahawig ang kaniyang mundo at ang mundo ng Gulag. Kahit ang manerismo niyang gumamit ng eksaherasyon sa paglalarawan ay waring bunga ng pagsisikap niyang likhain ang sindak ng orihinal na bilangguan sa Russia.
VIRGILIO S. ALMARIO
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan
ABOUT THE AUTHOR
Si R. B. ABIVA, MA, MPCS, D.Litt. (h.c.) ay propesor sa kolehiyo at sa paaralang gradwado. Siya ay awtor ng dalawampung (20) aklat ng tula, maikling kuwento, dagli, at nobela. Nalathala na ang kanyang mga akda sa mga prestihiyosong publikasyon tulad ng Diliman Review, Liwayway, Bannawag, at sa mga journal ng Sentro ng Wikang Filipino (SWF), Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), at Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP), bukod sa iba pa. Bilang tagapag-ambag sa sining at midya, nagsilbi rin siya bilang language coach at cultural researcher sa ilang kilalang pelikula, at naging creative director ng CCP para sa mga piling proyektong kultural. Isa rin siyang masugid na tagapagtaguyod ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE). Natapos niya ang MA sa Malikhaing Pagsulat mula sa Paaralang Gradwado ng Kolehiyo ng Arte at Literatura sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Ang kanyang tesis ay ginawaran ng Pinakamahusay na Tesis (Antas Gradwado) sa Gawad Antonio M. Abad.