Agaw-Tingin: Koleksiyon ng Nonfiction ni Ricky Lee
₱500.00
ni Ricky Lee, Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula at Broadcast Arts
ISBN/ISSN: 9786210901146
Category: Literary; Filipino Essays; Social Perception
Copyright: 2025
Pages: 324pp
Dimensions: 5 x 1 x 8 in.
Type: PB/SP
DESCRIPTION
ABOUT THE BOOK
Ang antolohiyang ito ay binubuo ng mga “inagaw na tingin,” mga saglit na sulyap sa mga tao, lugar, at insidente na isinulat upang muling ibalik sa mambabasa ang mga bagay na madalas nating hindi tinitingnan o sadyang hindi natin napapansin. Sa mga tinging ito nagsisimula ang pagsusulat, at sa muling pagtitig ng mambabasa ito nagkakaroon ng saysay.
Bilang mamamahayag mula pa noong dekada 70, isinabuhay ng may-akda ang pagtanaw at pagtalima sa mga totoong karanasan—mula sa loob ng mga sinehan at simbahan, hanggang sa mga lansangan at rally, sa mga batang tumatakbo’t naglalaro o nagtutulak ng pangarap sa gitna ng kahirapan. Sa bawat artikulo, may tinig na muling binuhay, may damdaming ipinadama, at may katotohanang hinayaang umalingawngaw.
Tampok sa antolohiyang ito ang piling nonfiction na naisulat ng may-akda mula sa iba’t ibang publikasyon tulad ng Asia-Philippines Leader, TV Weekly, Metro Magazine, Mr. & Ms., Expressweek, Veritas, at National Midweek.
Sa pamamagitan ng Agaw-Tingin, muling binibigyang-halaga ang sining ng pagmamasid, pakikinig, at paglalahad, mga pundasyong nagpanday hindi lamang sa isang premyadong screenwriter at nobelista, kundi sa isang manunulat na may malasakit sa tao, sa katotohanan, at sa sariling wika.
ABOUT THE AUTHOR
Si Ricky Lee ay hinirang bilang National Artist for Film and Broadcast Arts ng Pilipinas noong 2022. Nakapagsulat na siya ng mahigit 190 screenplays, kabilang ang Himala, Moral, Anak, Jaguar, Jose Rizal, Muro-Ami, Green Bones, at iba pa. Nakapagsulat din siya ng limang nobela (Para Kay B, Lahat ng B, Kalahating Bahaghari, Si Amapola sa 65 na Kabanata, at Bahay ni Marta), isang scriptwriting manual (Trip to Quiapo), dalawang koleksiyon ng short stories (Kung Alam N’yo Lang at Servando Magdamag), dalawang volumes ng koleksiyon ng mga screenplay (Mga Screenplay ni Ricky Lee), at isang koleksiyon ng mga sanaysay tungkol sa buhay at pagsusulat (Kulang na Silya).
Nagsasagawa rin siya ng libreng scriptwriting workshops simula pa noong 1982. Mahigit na sa 80 trophies ang natanggap niya para sa mga naisulat niya sa pelikula at panitikan, bukod pa sa mahigit na 20 lifetime achievement awards.