UP Press

I am currently on vacation and products from my shop will be unavailable for next few days. Thank you for your patience and apologize for any inconvenience.

Ako’y Isang Tinig: Katipunan ng mga Piling Maikling Katha at Sanaysay

₱205.00

ni Genoveva Edroza Matute

ISBN/ISSN: 9715420745
Category: Literary, Anthology, Fiction, Short stories, Essays
Copyright: 1996
Pages: 271pp
Dimensions: 5 x 0. 5 x 8 in.
Type: PB/BP

DESCRIPTION

ABOUT THE BOOK

Ang katipunang ito ay isang pag-asa’t isang pananalig. Isang pag-asa: na makapag-abuloy, gaano man kaliit, sa Panitikang sarili na minahal-mahal na noon pa mang panahong ito’y tinutunghan at minamaliit ng marami. Isang pananalig: na hindi naman lahat na ay pangangalakal na laman ng panulat. At sapagka’t mayroon pa namang nakikihati sa ganitong uri ng pag-asa’t pananalig, sa gitna man ng laganap na pangungumersyo ng kung tawagi’y sining ng pangangatha, ang paglalakas-loob ay naangkin.

Mahirap itakda ang guhit na maghihiwalay sa katotohanan at guniguni, ngunit akda man ng kawalang-malay, ng pag-abot na pilit sa rurok halimbawa, o ng pangangarap, o ng saglit na pagkaunawa kaya, kasisinagan ng katapatan ang mga akdang napiling isama sa katipunang ito.

Akibat ng katapatang iyan ang pag-asa ng nagtipon ng mga katha’t sanaysay na naririto na ang mga “mulat” na manunulat sa sariling Wika ay mag-aabuloy ng kani-kanilang katipunan sa ikauunlad at ikaluluwalhati ng ating Panitikan.

 

ABOUT THE AUTHOR

Bunga ng mga paaralang bayan, si Genoveva Edroza-Matute ay nagsimulang magturo noong 1934, pagkatapos ng E.T.C. niya sa Philippine Normal School. Natamo niya ang B.S.E., M.A., at Ph.D. sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagturo siya sa elementarya, haiskul at kolehiyo sa loob ng 46 na taon at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Philippine Normal College noong 1980.

Siya ay manunulat ng maiikling kuwento, sanaysay, artikulo, at mga araling-pampaaralan. Ilan sa mga karangalang kanyang nakamit ang mga sumusunod: tatlong unang gantimpala, isang pangatlo sa maikling katha sa Palanca; Outstanding Awardee for the Field of Creative Writing – UST College of Education (1988); Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas – UMPIL (1988); Gawad CCP sa Sining (Panitikan) (1992); Republic Literary Award – NCAA (1995). Sa gulang niya ngayong 81, pinuno siya ng Children’s Books Division ng REX Publications.

Kasal siya kay Epifanio G. Matute, scriptwriter ng Dramatic Philippines na nagsa-radyo, tanghalan, pelikula at telebisyon ng tanyag na Kuwentong Kutsero, serye ng mga dulang satiriko.

RELATED PRODUCTS

You haven't viewed at any of the products yet.