I am currently on vacation and products from my shop will be unavailable for next few days. Thank you for your patience and apologize for any inconvenience.
Ang Makina ni Mang Turing (Reprint)
₱300.00
By Guillermo, Ramon
ISBN/ISSN: 978971542731-9
Category: Literature; Novel; Filipino
Copyright: 2019; 2013
Pages: 150pp
Size: 6×9
Type: PB/BP
Weight: 190g
SKU: 0155
Category: Literary - Novel / Fiction
DESCRIPTION
Maikling Alituntunin sa Paglalaro ng Sungka
Para sa mga hindi nakakaalam kung paano nilalaro ang sungka sapagkat nahumaling na sa mga modenong laro, ang sungkaan ay may tigpipitong maliit na “bahay” na nakaayos sa dalawang magkatabing hanay. Sa dalawang dulo ng pahabang sungkaan ay may tinatawag na “malaking bahay.” Bago magsimula ang laro ay inihahanda muna ang sungkaan sa pamamagitan ng paglalagay ng tigpipitong sigay sa bawat maliit na bahay. liwanang walang laman ang malalaking bahay. Magkaharap na nakaupo ang mga manlalaro ng sungka. Ang hanay ng malilit na bahay sa harapan ng bawat manlalaro ay itinuturing na sa kanya, gayundin ang malaking bahay sa kanyang kanan. Magsisimula ang laro sa pamamagitan ng sabay na pagdakot ng dalawang manlalaro ng mga sigay sa alinmang maliit na bahay sa kanilang hanay at paghulog ng mga sigay nang paisa-isa sa mga bahay na maliit at sa kani-kanilang malaking bahay na paikot sa dirección pakanan sa kanilang hanay at pakaliwa sa hanay ng kalaban.
Hindi maglalagay ng sigay sa malaking bahay ng kalaban. Kapag naubos na ang kanyang sigay at walang laman ang nabagsakang bahay ng pinakahuli niyang inihulog ay tapos na ang kanyang tumo. Maliban sa unang sabayang pagdakot ay nagsasalitan ng turno ang mga manlalaro ng sungka. Kapag pumatak ang huling sigay sa bahay na may laman ay dadamputin niya ang nilalaman nito at tutuloy sa paghuhulog hanggang pumatak ang huli niyang sigay sa bahay na walang laman. Kapag pumatak ang huling sigay niya sa kanyang malaking bahay mismo ay maaaring dumakot muli ang manlalaro sa alinman sa kanyang maliliit na bahay na mayroon pang nilalaman upang ituloy ang kanyang paglaro. Sa pinakapayak nitong anyo ay matatapos ang laro kapag hindi na makakilos ang dalawang panig.
Mananalo ang manlalarong may pinakamaraming sigay na naipon sa kanyang malaking bahay.

RELATED PRODUCTS
You haven't viewed at any of the products yet.