UP Press

I am currently on vacation and products from my shop will be unavailable for next few days. Thank you for your patience and apologize for any inconvenience.

Ang Panginoon ng mga Alon (Philippine Translators Series 2021)

450.00

ni Telesforo S. Sungkit Jr.

ISBN/ISSN: 978621090000-2
Category: Literary; Novel
Copyright: 2024
Pages: 200pp
Dimensions: 6 x 0.3 x 9 in.
Type: PB/SP

SKU: 0680 Categories: , Tag:

DESCRIPTION

ABOUT THE BOOK

Ang nobelang Ang Agalon sa mga Balod, na isinalin ng may-akda sa Filipino mula sa Cebuano bilang Ang Panginoon ng mga Alon, ay sumasagisag sa himagsik ng Higaonon laban sa kasalukuyang sistemang panlipunan na patuloy na bumubura sa lahat ng bakasa ng kanyang pag-iral. Umaasa ang tagasalin na makapag-aambag ang nobelang ito sa paghubog ng isang higanteng alon na sasagupa sa tsunami ng mapang-aliping mga kaisipang dala ng kolonyalismo na patuloy pa ring nambubulabog sa ating sambayanan hanggang ngayon. — Telesforo S. Sungkit Jr. / Anijun Mudan-udan, 1980-2022.

 

ABOUT THE AUTHOR

Isang magsasaka, makata, at nobelistang Higaonon si Telesforo S. Sungkit Jr. Siya ang may-akda ng Batbat hi Udan, isang nobelang Filipino na nalimbag noong 2009. Nagwagi siya sa NCCA Writers’ Prize 2007 para sa kanyang nobelang Cebuano na Mga Gapnod sa Kamad-an. Nagwagi rin siya sa NCCA Writers’ Prize 2011 para naman sa nobelang Cebuano na Ang Agalon sa mga Balod. Nagkamit din siya ng grant mula sa NBDB Trust Fund for Writers para sa kanyang nobelang Cebuano na Mga Tigmo sa Balagbatbat. Nalimbag bilang serye sa magasing Bisaya and nobela niyang Mga Gapnod sa Kamad-an. Samantala, inilimbag naman ng UST Publishing House noong 2013 ang Ingles na salin nito sa ilalim ng titulong Driftwood on Dry Land. Kasalukuyan namang inilalabas bilang serye sa Bisaya ang bago niyang nobelang Cebuano na Ang Bagani sa mga Tagna. Naging bahagi ng iba’t ibang antolohiya ang tula niyang “I Higaonon” at naisama rin ito sa ilang teskbuk para sa kotemporaneong panitikang Filipino. Mababasa naman sa http://www.balaybalakasoy.blogspot.com ang kalipunan ng kanyang mga tulang Cebuano sa ilalim ng sagisag na Anijun Mudan-udan.

RELATED PRODUCTS

You haven't viewed at any of the products yet.