Ang Pilyo bilang Subersibo: Mga Sanaysay sa Panitikang Pambata (The Philippine Writers Series 2024)
₱900.00
ni Eugene Y. Evasco
ISBN/ISSN: 9786210900712
Category: Literary Criticism; Literary Studies; Language Studies
Copyright: 2024
Pages: 480pp
Dimensions: 6 x 1.2 x 9 in.
Type: PB/BP
DESCRIPTION
ABOUT THE BOOK
Naiiba itong aklat ng mga panunuring pampanitikan dahil nakatutok ang lente nito sa mga panitikang pambata. Hindi ito tumuon lamang sa kung ano ang maganda at katanggap-tanggap na paksa para sa mga bata. Isa itong bukas na pinto na nag-aanyaya sa atin na pumasok upang makinig sa tinig ng mga bata, isang paanyayang kilalanin sila sa ubod ng kanilang mga danas at pinakamatayog na mga pangarap.
—Prop. Rowena P. Festin, premyadong makata at kuwentista
ABOUT THE AUTHOR
Propesor ng malikhaing pagsulat at panitikan si Eugene Y. Evasco sa Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman. Naging Research Fellow siya sa International Youth Library sa Munich, Germany. Siya ay kabilang sa Hall of Fame ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature at ginawaran ng Dangal ng Panitikan 2021, isang lifetime achievement award mula sa Komisyon sa Wikang Filipino. Marami na siyang natamong gawad kabilang na ang Certificate of Honour for Writing mula sa International Board on Books for Young People; Gintong Aklat Award for Poetry in Filipino; at National Book Award for Best Anthology in Filipino.