UP Press

I am currently on vacation and products from my shop will be unavailable for next few days. Thank you for your patience and apologize for any inconvenience.

Ang Tanging Natagpuan (The Philippine Writer Series 2025)

400.00

ni Zosimo Quibilan Jr.

ISBN/ISSN: 978621090115-3
Category: Literary; Poetry
Copyright: 2025
Pages: 136pp
Size: 6×9
Type: PB/SP

SKU: 0747 Categories: , Tag:

DESCRIPTION

ABOUT THE BOOK

Paanyaya ang mga tula ni Zosimo Quibilan Jr. pabalik sa karaniwan—mga kailangan at dinadaan-daanan, mga ibinubuhos at ipinapaloob sa katawan (kahit “alam kong palabas lang naman ito at hindi paloob”)—parang paghanap ng masisilungan, pagtawid sa mga lagusan sa pagitan ng gutom at pagkagumon, pagkapagod ng alaala sa “pagdaramot ng tag-araw” at iba pang halimaw ng pang-araw-araw. May ligalig sa hinahon ng kamalayan sa mga tula samantalang nagmumuni sa mga unos, sa “bigat na kaya nilang dalhin,” sa mga taludtod at tuluyan ng “humahabang kamusmusan,” sa mga “hiwaga ng pagkauhaw” na parang pagbabalik at pagpapalawig sa mga kuwentong dagli ni Imo na unang bumagabag sa akin—kung para saan ang mabuhay kung ang tanging natatagpuan natin ay hindi ang isa’t isa sa pasikip nang pasikip na siyudad, kundi katahimikang “mas hangin kaysa pag-asa.” Narito ang mga tula ng mga kasalukuyan nating pagkabahala—ulit-uliting       basahin hanggang

[m]aging tubig, hangin.

Maging titig,

pag-ibig.

 

—Edgar Calabia Samar, makata at nobelista (Si Janus Silang Series)

2024 Southeast Asian Writers (SEA Write) Award

 

ABOUT THE AUTHOR

Si Zosimo Quibilan Jr. ang nagsulat ng “Pagluwas” (UP Press 2006) na nagwagi ng National Book Award (Maikling Kuwento, 2006) at Madrigal-Gonzalez Best First Book Award (2008). Sinulat niya, kasama ng makata at filmmaker na si Khavn, ang musika at libretto ng 2BAYANI: Isang Rock Operang Alay Kay Andres Bonifacio (Ateneo Arete, 2022). Nag-iisang Filipino American featured artist/singer-songwriter si Quibilan sa 2024 LA Made, ang taunang programang pangkultura ng Library Foundation of Los Angeles.

RELATED PRODUCTS

You haven't viewed at any of the products yet.