UP Press

I am currently on vacation and products from my shop will be unavailable for next few days. Thank you for your patience and apologize for any inconvenience.

Arkipelago

500.00

ni Januar Yap

Isinalin ni Hannah A. Leceña

ISBN/ISSN: 978621090122-1
Category: Literary – Translation; Fiction
Copyright: 2025
Pages: 188pp
Dimensions: 6 x 1 x 9 in.
Type: SB/PB

SKU: 0760 Category: Tag:

DESCRIPTION

ABOUT THE BOOK

“Nagmumula sa kaibuturan ng dagat at puso ng mga pulo ang mga kuwento ni Yap—dumadaloy, lumalangkap, tumatabon sa mga tauhan pero naglalantad din ng pag-ahon sa tila walang kaligtasang kalagayang nilikha ng lipunang sinakop ng dayuhan at patuloy na nagpapanatili ng opresibong sistema. Maalam ang nobelista sa pinagmulan at patutunguhan ng nobelang Filipino at isang pangahas at abanteng pagsubok ang nagawa niya sa akda niyang ito. Salamat sa mahusay na salin ni Leceña, matutunghayan sa wikang pambansa ang kabit-kabit na naratibo mula sa Sebwano. Sa ibabaw ng mga ito, sumisinag ang pangunahing salik sa kaniyang obra: ang kakayahang humabi ng kuwentong hindi lamang nanghahalukay ng damdamin kundi nakakapagpaisip kung ano ba ang dapat adhikain ng mga mamamayan ng mahal na arkipelagong tinatawag na Pilipinas.”

—Romulo P. Baquiran Jr.,

Guro at Manunulat

ABOUT THE AUTHOR

Si Januar Yap ay isang edukador, nobelista, mamamahayag, at filmmaker. Ang kaniyang mga maikling kuwento ay nagwagi na sa mga pampanitikang patimpalak tulad ng National Book Awards, Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, at NCCA Writers Prize, samantalang ang kaniyang mga pelikula naman ay umani na ng mga parangal kagaya ng Best Short Film sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival at nominasyong Best Picture at Best Documentary sa Gawad Urian.

Kasalukuyan siyang nag-aaral ng kursong PhD in Media and Communication sa RMIT University sa Melbourne, Australia habang nagtuturo ng journalism, advertising, at video production sa University of the Philippines Cebu, College of Communication, Art, and Design.

ABOUT THE TRANSLATOR

Si Hannah Adtoon Leceña ay guro, manunulat at spoken word performer mula sa Tambilil, Kiamba, Sarangani Province. Siya ang awtor ng Jonas: Nobela sa Wikang Cebuano na inilimbag ng Komisyon sa Wikang Filipino. Nag-aaral ng PhD in Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman. Nagkamit siya ng Ikalawang Gantimpala sa 62nd Don Carlos Palanca Memorial Awards sa kategoryang Maikling Kuwento. Fellow siya ng 63rd UP National Writers Workshop, Silliman, IYAS La Salle, ALBWW, Gemino-Abad, Iligan, Davao at Bathalad-Sugbu at tumanggap ng National Book Development Board-Publication Grant 2022 at 2025 para sa kanyang YA Novel, Fiction at Creative Non-Fiction.

RELATED PRODUCTS

You haven't viewed at any of the products yet.