Búang sa Pag-ibig: Mga Tula (The Philippine Writers Series 2025)
₱550.00
ni John Iremil Teodoro
ISBN/ISSN: 978621090127-6
Category: Literary; Poetry
Copyright: 2025
Pages: 140pp
Dimensions: 6 x 0.5 x 9 in.
Type: PB/SP
DESCRIPTION
ABOUT THE BOOK
Ang librong ito ay kalipunan ng pitumpu’t apat na mga tula na nasa pormang lirikal at malayang taludturan na pinapaksa ang iba’t ibang mukha ng pag-ibig—romantiko at erotikong pag-ibig na bading, pagpalangga sa kapamilya at kaibigan, at pagmamahal sa mga taong hinahangaan. Selebrasyon ito ng pag-ibig gamit ang mga makulay at matingkad na imahen para sa mga naniniwala at hindi naniniwala sa busilak na birtud ng pagmamahal. Ginamit na metapora ang pagiging “baliw” o “buang” sa pag-ibig sapagkat sa isang mundong hindi perpekto, kailangan ng kaunting kabuangan upang magmahal tayo nang tapat at buo ang loob at isipan.
ABOUT THE AUTHOR
Tubong Isla Panay si John Iremil Teodoro na isang propesor sa Departamento ng Literatura ng De La Salle University sa Manila kung saan siya ang direktor ng Bienvenido N. Santos Creative Writing Center. Dati siyang sekretaryo heneral ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas o UMPIL. Tinanggap niya ang S.E.A. Write Award mula sa Kaharian ng Thailand noong 2019. Inilathala nitong Setyembre 2025 ang kaniyang mga tula sa Poets.org ng Academy of American Poets. Lumalabas kada Miyerkoles ang kaniyang kolum na “Panay Sirena” sa pahayagang Daily Guardian ng Lungsod Iloilo.