I am currently on vacation and products from my shop will be unavailable for next few days. Thank you for your patience and apologize for any inconvenience.
Sa Lugar Lang, si Jaku Mata ay makata, mangingibig, at manlalakbay—isang makabagong Orpheus, mula Negros at Iloilo hanggang Maynila. Binabaybay niya ang mga lansangang binaha ng alaala, ang mga tubuhang nagkubli ng mga anino, at ang mga lungsod na kinakain ng sarili nilang liwanag. Dito, ang bawat espasyo ay tagpuan, ang bawat taludtod ay paglalakbay pabalik sa mundong maaaring nawala o kailangang ipaglaban muli.
ABOUT THE AUTHOR
Pinanganak sa Lungsod Iloilo, si Jaku Mata ay isang pangkulturang manggagawa at dating organisador ng mga mangingisda at manggagawang bukid sa Negros. Kasalukuyang nakatira si Jaku Mata sa Lungsod Quezon. Ang Lugar lang ang kanyang unang koleksyon ng mga tula.