Digmaan ng mga Alaala: Rebolusyon at Pagkakamali sa mga Talang-Gunita
₱450.00
ni Laurence Marvin S. Castillo
ISBN/ISSN: 978971542925-2
Category: Literary Criticism; Essays; History; Politics
Copyright: 2021
Pages: 210pp
Size: 6 x 9 in
Type: PB/SP
DESCRIPTION
ABOUT THE BOOK
Ang aklat na ito ay pag-aaaral sa dalawang talang-gunita na nagsasalaysay ng mga personal na karanasan ng karahasan sa isang malagim na pagkakamali ng kilusang pambansa-demokratiko.
Sa pamamagitan ng malapitan at mapaghambing na pagsusuri, inilatag ang kahalagahan ng personal na alaala bilang isang anyo ng pakikisangkot sa tunggalian sa pagitan ng rebolusyon at kontra-rebolusyon.
Sa mga talang-gunitang ito, lumilitaw ang masalimuot na pagtatalaban ng personal at political. Dito, napapatampok kung paano naipapahayag sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng alaala ang paninindigan at pag-uusisa sa kabuluhan ng proyektong mapagpalaya.
ABOUT THE AUTHOR
Si Laurence Marvin Castillo ay guro ng Panitikan at Araling Kultura sa Departamento ng Humanidades, Kolehiyo ng Agham at Sining, Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños.