UP Press

I am currently on vacation and products from my shop will be unavailable for next few days. Thank you for your patience and apologize for any inconvenience.

Pax: Batong Hiyas ng Masara (The Philippine Writers Series 2024)

500.00

ni Lualhati Milan Abreu

ISBN/ISSN: 9786210900804
Category: Literary; Essays; Creative Nonfiction; Biography
Copyright: 2024
Pages: 212pp
Dimensions: 6 x 0.7 x 9 in.
Type: PB/BP

 

DESCRIPTION

ABOUT THE BOOK

Mula sa autobiyograpiya, ang malanobelang talambuhay ni Godofredo “Ka Paking” Guimbaolibot ang ginawang tuntungan ng may-akda upang maipagpatuloy ang masalimuot na naratibo ng kasaysayan ng kilusang mapagpalaya sa bansa, mula sa malagim na pagkakamali patungo sa pagbangon, na naisalikop sa naging buhay at pakikibaka ng pangunahing subject ng talambuhay ng aklat na ito. Kagila-gilalas din ang naging pagtatagni ng may-akda ng kasaysayan at komplikadong panlipunan, pang-ekonomiya, at pampolitikang konteksto ng mga lunan na ginalawan, kinilusan, at inorganisa ni Pax sa kabuuan ng kanyang maningning na buhay bilang rebolusyonaryo.
—Rebyuwer ng Pax: Batong Hiyas ng Masara

 

ABOUT THE AUTHOR

Manilenya si Lualhati Milan Abreu na piniling manirahan sa Mindanao mula noong 1974. Nagsimula siyang maging aktibistang panlipunan sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman noong 1969 at naging aktibo sa pag-oorganisa sa Mindanao at Timog Katagalugan. Naging pangunahing gawain niya sa kilusang makabayan ang pananaliksik hinggil sa usaping sosyo-politikal at sosyo-ekonomiko ng Mindanao-Sulu para sa kilusang-masa. Nagtapos siya ng masteral sa kasaysayan sa UP Diliman noong 2010. Nagwagi sa Gawad Likhaan: UP Centennial Literary Award ang kanyang mala-nobelang sanaysay pananalambuhay na Agaw-Dilim, Agaw-Liwanag (UP Press, 2009) noong 2010. Nagtuturo siya ngayon ng PI 100 sa UP Diliman.

RELATED PRODUCTS

You haven't viewed at any of the products yet.