UP Press

I am currently on vacation and products from my shop will be unavailable for next few days. Thank you for your patience and apologize for any inconvenience.

Sakit ng Kalingkingan: Patograpiya ng Katawan, Damdamin, at Isipan

550.00

nina Will P. Ortiz, Mary Jane B. Rodriguez-Tatel, Elyrah L. Salanga-Torralba

ISBN/ISSN: 978621090126-9
Category: Literary; Anthology; Health; Medicine
Copyright: 2025
Pages: 248pp
Dimensions: 6 x 1 x 9 in.
Type: PB

SKU: 0759 Category: Tag:

DESCRIPTION

ABOUT THE BOOK

Ang aklat ay binubuo ng mga sanaysay tungkol sa patograpiya o “writing pain.” Hindi tinitingnan ang sakit bilang compartmentalized na pangyayari kundi magkakarugtong at nagtatalaban. Ang pagkakaroon ng sakit ng katawan ay kaugnay din ng sakit sa isipan at damdamin, at may kaugnayan din sa kaluluwa ng tao. Ipinakikita sa mga akda ang iba’t ibang danas ng sakit, gayundin ang paghahanap ng ginhawa at pagtangan sa pag-asa tungo sa pagbangon ng katawan, damdamin at isipan.

ABOUT THE EDITORS

Nagtuturo si Will P. Ortiz sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Diliman ng malikhaing pagsulat.  Nagkamit na siya ng mga parangal mula sa Palanca Memorial Awards at Madrigal-Gonzalez First Book Award. Nakatutok sa tinatawag niyang kagila-gilalas na realismong bayan ang kaniyang mga panulat tulad ng  Ang Pagbabalik ni Maria Makiling Unang Aklat (2015),  Si Maria Makiling at ang Alamat ng Animas Anya, Ikalawang Aklat (2028), Ang Lihim ng Lagusang Dalem (2024), at ang huli sa tetralohiya ng mga nobelang Makiling—Si Maria Makiling sa Sinapupunan ng Hukluban (2025). Nakatuon ang iba pa niyang panulat at pananaliksik sa usapin ng bata, babae, bayan at ang kagila-gilalas.

Si Mary Jane B. Rodriguez-Tatel ay nagtapos ng doktorado sa Philippine Studies sa UP Diliman, at kasalukuyang propesor sa UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas. Masasabing “hugpungan” ng mga disiplina ng kasaysayan, antropolohiya, at wika/lingguwistika ang kaniyang mga pananaliksik at pag-aakda. Ibinalangkas din sa hugpungang ito ang kaniyang disertasyong “Serepungan: Ang ‘Katutubo’ sa Hugpungan ng mga Diskurso (Isang Pag-aaral sa mga Erumanen ne Menuvu at Teduray-Lambangian).” Kasalukuyan siyang pangulo ng Aliguyon-University of the Philippines Folklorists, Inc. Mahigpit na ipinamamalay ng kanyang mga saliksik, akda, at adbokasiya na kinakailangang pagpunyagian ang pagteteorisa sa Araling Pilipino gamit ang wika/dalumat/ o dunong-bayan at dunong- katutubo. Nagawaran siya ng “Dangal ng Wika 2021” ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Si Elyrah L. Salanga-Torralba ay nagtapos ng PhD Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Siya ay nagtuturo ng Malikhaing Pagsulat at Panitikang Filipino sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa UP Diliman. Pinarangalan na siya ng NCCA Writers Prize, Carlos Palanca Memorial Awards, Gawad Collantes, at Talaang Ginto. Ang kaniyang mga sanaysay, maikling kuwento, at tula ay nailathala sa mga antolohiyang at refereed journal ng mga akademikong limbagan at institusyon sa bansa. Ang kaniyang librong Nanay and the Moon (UP Press 2023) ay kasama sa Philippine Exhibition sa Bologna Children’s fair noong 2024 at 2025, Abu Dhabi International Book Fair 2025, at sa Asian Festival of Children’s Content sa Singapore noong 2024.

 

RELATED PRODUCTS