Salamangka ng Santelmo
₱500.00
ni Emmanuel V. Dumlao
ISBN/ISSN: 9786210901061
Category: Filipino Poetry
Copyright: 2025
Pages: 148pp
Dimensions: 6 x 0.5 x 9 in.
Type: PB/SP
DESCRIPTION
ABOUT THE BOOK
Isang pangunahing bahagi ng pagtula ni Dumlao ang daigdig ng Pantabangan, ang bayang nilunod ng rehimeng Marcos para gawing dam na nagsusuplay ng tubig at enerhiya sa mga kalapit na lalawigan, kabilang ang Metro Manila. Ilan sa mga pinagtuonang paksa ng tula ang danas ng paglalaho ng pinakamamahal na komunidad at ang hindi mabura, malimot-limot na alaala nito, na lumilitaw sa mga panaginip, pagmumuni, at mga balik-tanaw sa lupang tinubuan, lalo pa at tila nagmumulto sa aktuwal na muling paglitaw sa panahon ng tagtuyot at umaatras ang tubig para magbigay-daan sa muling pagdalaw sa dating lupain at makita ang labi ng mga kongkretong gusali gaya ng lumang simbahan.
—Romulo P. Baquiran Jr.
Makata, kuwentista, mananaysay, propesor
ABOUT THE AUTHOR
Si Emmanuel V. Dumlao ay tubong Pantabangan, Nueva Ecija. Nagtapos siya ng doktorado sa Filipino: Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman (UPD) at nagtuturo ng mga kurso sa wika, panitikan, at malikhaing pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB).
May-akda ng Hindi Lamang Salita, koleksiyon ng tula na inilabas ng Sentro ng Wikang Filipino UP Diliman (SWF UP Diliman) noong 2020.
Bago naging guro sa UPLB, nagtrabaho siya sa Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) bilang edukador ng karapatang pantao. Nagsilbi rin siyang pangulo ng All UP Academic Employees Union, Los Baños Chapter (AUPAEU LB).
Sa pagitan ng paghabi ng tula at pagdawdaw sa watercolor painting, tinatapos niya ang kaniyang nobela tungkol sa tawak—taong ipinanganak na may kakambal na ahas.