Tuwing Nag-iisa sa Mapa ng Buntong-Hininga: Nirebisang Edisyon
₱450.00
ni Paolo Miguel G. Tiausas
ISBN/ISSN: 9786210900934
Category: Literary; Poetry
Copyright: 2025
Pages: 144pp
Dimensions: 6 x 0.5 x 9 in.
Type: PB/SP
DESCRIPTION
ABOUT THE BOOK
Bilang apologia pro vita sua, o mga awit patungkol sa sarili, ang apatnapung tula sa unang koleksiyon ni Paolo Tiausas, ang Tuwing Nag-iisa sa Mapa ng Buntonghininga, ay postmodernong kalipunang namumutiktik sa halos siyento porsiyentong awtobiyograpikal na anekdota na payugto-yugtong tatambad sa mambabasa nang nabibihisan ng sisteng maanghang-na-mapait-na-nakapanlulupaypay sa mga larawan ng kahirapan at/o kabuktutang sinadya at/o di-sinadya, kamangmangang mistulang bálat sa utak, at makapal na compendium ng mga bagay (i.e., sa konteksto ng tulang “Bagay” ng kilusang pampanitikang tubong-Ateneo) na nilelente ng mapanuri at mapanuksong pagsisiyasat sa kung paano nabibisaklat o napipilay ang aparatong intelektuwal ng iskolar at kung paano rin niya buong husay na babaligtarin ang unipormeng pang-Atenista upang matambad ang mga himulmol, butas, o wakwak na sinulsihan nang buong ingat, o, nang kung papa-papaano lamang.
—Benilda S. Santos
ABOUT THE AUTHOR
Si Paolo Tiausas ay nagsusulat at nagtatanghal ng mga tula. Siya ang may-akda ng self-published na aklat ng tula na Lahat ng Nag-aangas ay Inaagnas (2020) na naging finalist para sa 22nd Madrigal-Gonzalez Best First Book Award at sa 39th National Book Awards sa kategorya ng Best Book of Poetry in Filipino noong taong iyon. Nabansagan siyang Makata ng Taón sa 2021 Talaang Gintô ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Nagawaran na rin siya ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Noong 2024, lumahok siya sa Kyoto Writers Residency na ginanap nang isang buong buwan sa Kyoto, Japan. Kapuwa patnugot niya si Nikay Paredes sa TLDTD (tldtd.org), isang biannual online journal para sa mga tula at makatang Filipino, na nagwagi ng unang gantimpala at honorable mention sa 2021 Hawker Prize for Southeast Asian Poetry ng Sing Lit Station.