Tuwing Nag-iisa sa Mapa ng Buntong-hininga
₱400.00
ni Paolo Miguel G. Tiausas
ISBN/ISSN: 978971542939-9
Category: Literary; Poetry
Copyright: 2021
Pages: 144pp
Dimensions: 6 x 0.5 x 9 in.
Type: PB/SP
DESCRIPTION
ABOUT THE BOOK
Nilulusong at nilalayon ng mga tula sa koleksiyong Tuwing Nag-iisa sa Mapa ng Buntonghininga ang mga pag-iisa na kaparis ng pangkabataang karanasan—ang mga pagkakaibigang hinulma ng kamusmusan, ang mga mga pambungad na pagkabigo sa ibig at pangarap, ang mga kawalan ng katutura’t alinlangan, ang lahat ng hindi masabi kaharap ng sariling hindi pa nakasisiguro sa kinatatayuan. Sa pamamagitan ng matalik na pagtuklas ng pag-iisa at pagiging isa, sinusubok ng mga tulang humanap ng katatagan at katarungan sa lahat ng mga araw-araw na pagkasawi. Nariyan ang mga di-tiyak na pakikipagkapwang nagaganap sa ritwal ng pagsakay ng jeep. O di kaya’y ang mga agiw sa mga relasyong nabuo lamang sa chat messages. O kahit ang mga nagsasalitang overpass, ang mga halos-tahanang fast food restaurant, at ang mga school service na naging saksi sa pagkamulat ng pagnanasa. Kasabay nito, iniaangat rin ng persona ng mga tula ang sarili sa isang tilamitolohiyang naratibo—ang kuwento ng isang bida laban sa isang bayang kontra sa posibilidad, ang kuwento ng iniwan at nang-iwan, at ang kuwento ng mga buntonghiningang wala nang tahanang uuwian.
ABOUT THE AUTHOR
Si Paolo Tiausas ay nagsusulat at nagtatanghal ng mga tula. Siya ang may-akda ng tatlong aklat ng tula: Lahat ng Nag-aangas ay Inaagnas (2020) na naging finalist para sa 22nd Madrigal-Gonzales Best First Book Award, Tuwing Nag-iisa sa Mapa ng Buntong-hininga (University of the Philippines Press, 2021), at my heart is an edge / ang puso kong hiwâ (2022). Naging finalist ang unang dalawa niyang aklat sa 39th at sa 40th National Book Awards, at nagwagi ang ikalawa bilang Best Book of Poetry in Filipino noong taong iyon. Nabansagan siyang Makata ng Taón sa 2021 Talaang Ginto ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Noong 2024, lumahok siya sa Kyoto Writers Residency na ginanap sa Kyoto, Japan. Nagawaran na rin siya ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Kapwa-patnugot niya si Nikay Paredes sa TLDTD (tldtd.org), isang biannual online journal para sa mga tula at makatang Filipino, na nagwagi ng unang gantimpala at honorable mention sa The 2021 Hawker Prize for Southeast Asian Poetry ng Sing Lit Station.