Description
ABOUT THE BOOK
Dahil ito kay Rene O. Villanueva, batikang manunulat para sa mga batang Pilipino, buhay sa aming alaala.
Naririto ang mga kuwento at tulang nagmula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas na nagsusulong ng iba’t ibang katangian ng mga rehiyon ng bansa. Kung hindi man nagsusulong ng identidad ng bayang pinagmulan, nagpapakilala ang mga kuwentong ito ng tatag ng pamilya, ng pagiging matalino ng bata, at ng pangangalaga sa isa’t isa, kapamilya man o kaibigan.
—Mula sa Introduksiyon
ABOUT THE EDITORS
Propesor ng malikhaing pagsulat at panitikan si Eugene Y. Evasco sa Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Marami na siyang natanggap na gawad at parangal. Ang kaniyang Aklatang Pusa ay napabilang sa White Ravens List noong 2019. Siya ay kabilang sa Hall of Fame ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature at ginawaran ng Dangal ng Panitikan 2021 ng Komisyon sa Wikang Filipino. Noong 2024, nagwagi siya ng Gintong Aklat Award para sa Lata ng Salaginto: Mga Tulang Pambata (UP Press, 2022) at ng National Book Award para sa antolohiyang Bata, Hiwaga, Bansa: Pamana ni Rene O. Villanueva sa Panitikang Pambata (UP Press, 2023). Ang kaniyang mga pananaliksik sa panitikang pambata ay natipon sa aklat na Ang Pilyo bilang Subersibo: Mga Sanaysay sa Panitikang Pambata (UP Press, 2024). Siya ang nominado ng Pilipinas para sa kategoryang manunulat sa 2026 Hans Christian Andersen Award.
Nagtuturo si Will P. Ortiz sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Diliman, sa larangan ng malikhaing pagsulat. Nagkamit na siya ng mga parangal mula sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, at ang kaniyang aklat na Bugtong ng Buwan at Iba Pang Kuwento (UP Press, 2011) ay nagawaran ng Madrigal-Gonzalez Best First Book Award. Nakatutok sa tinatawag niyang “kagila-gilalas na realismong bayan” ang kaniyang mga panulat. Nalathala na rin ang kaniyang mga artikulo ukol sa panitikang pambata rito at sa labas ng bansa. Nakatuon ang kaniyang mga panulat at pananaliksik sa usapin ng bata, babae, bayan, at ang kagila-gilalas.
