Ang Trahedya Ni Bert (The Philippine Writers Series 2026)
₱600.00
ni U Z. Eliserio
ISBN/ISSN: 978621090151-1
Category: Literary; Plays, Drama, Theater, Screenplay
Copyright: 2026
Pages: 288pp
Dimensions: 8 x 1 x 5 in.
Type: SB/PB
DESCRIPTION
ABOUT THE BOOK
Ang Trahedya ni Bert ay binubuo ng mga dulang maisasakategorya sa tatlo: absurdo, humanista, at franchise-ista. Sa tatlong dulang absurdo (Maria, sa Puso Ninoman, Kesa Maghabol ng Lalake, Manifesto ng Partido Pasista), nakikipagdiyalogo si Eliserio sa kasaysayan at pulitikang Filipino, nilalamon ang mga indibdiwal ng kanyang lipunang kinasasadlakan. Sa mga dulang franchise, sinusubukan ni Eliserio na pantayan ang mga dambuhalang prangkisa ng Kanluran, ang Poirot ni Christie, ang Marvel Cinematic Universe, lumilikha ng bagong mito na antikolonyal. Ang bida ng trilohiyang Inspektor Beneral (Sino ang Pumatay kay Mr. Masangkay, Ang Trahedya ni Bert, Inspektor Beneral: Lalake, Makisig, Hindi Napapagal) ay pulis, marahas, may dugo sa kamay, at mahilig sa mga puzzle. Samantala, sa humanistang teatro ni Eliserio (Anak Ka Ng) inilalagay mula sa kamay ng indibidwal ang kanyang tadhana. Hindi laging tagumpay ito.
ABOUT THE AUTHOR
Si U Z. Eliserio ay nagtuturo sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa UP Diliman. Ko-awtor siya ng Kolab: Koleksyon ng mga Dula (UP Press, 2018), kasama sina Chuckberry Pascual at Maynard Manansala. Naitanghal na ang kanyang mga dula sa iba’t ibang kolehiyo sa Pilipinas at sa Cultural Center of the Philippines. Bukod sa dula, nagsusulat din si Eliserio ng maikling kwento at kritisismo. Ang kanyang kritikal na pagsusulat konsernado sa popular na kultura, pilosopiyang Filipino, at antikolonyalismo. Awtor din si Eliserio ng mga nobelang Ang mga Alipin (AdMU Press, 2025) at Bampira! (Milflores, 2025). Binubuno niya ngayon ang isa pang nobelang may code name na Bangag at Sikat. Kasalukuyang tinatasa ng reviewer ang isa pa niyang nobelang may code name na Ang Huling Kaso ni John. Naisalin na ni Eliserio ang mga gawa nina Nietzsche, Rousseau, Goldman, at Bakunin. Ang 2026 ay ikasampung anibersaryo ng kanyang Kami sa Lahat ng Mataba (UST Publishing House) at ika-20 anibersaryo ng kanyang Sa mga Suso ng Liwanag (independyenteng inilathala). Bisitahin siya sa ueliserio.com/books.