UP Press

I am currently on vacation and products from my shop will be unavailable for next few days. Thank you for your patience and apologize for any inconvenience.

Ay! Ang Kabihasnan: Mga Tula

450.00

ni Rio Alma

ISBN/ISSN: 978621090048-4
Category: Literary; Poetry
Copyright: 2024
Pages: 190pp
Dimensions: 6 x 0. 6 x 9 in.
Type: PB/SP

SKU: 0679 Categories: , Tag:

DESCRIPTION

ABOUT THE BOOK

Ang aklat na ito ang ikaapat na koleksiyon ng mga tula ni Rio Alma mula sa panahon ng COVID-19. Una, ang ]Kuwarentena[ (Filipinas Institute of Translation, 2020) na mga reaksiyon sa pinsalang dulot ng pandemya. Ikalawa, ang Mga Poon, Mga Piyon, Mga Pusong, Isang Pusong (San Anselmo Press, 2022) na isang satirikong pagtatanghal sa mga sakit ng lipunan at korupsiyon sa lahat ng sektor ng sosyedad. Ikatlo, ang Lemlunay (National Commission for Culture and the Arts, 2023) na isang pagsusuri sa kasaysayan at kultura sa pamamagitan ng mga sinaunang artifact, cultural objects, at likhang sining ng Filipinas. Ang ikaapat na aklat ngayon, ang Ay! Ang Kabihasnan, ay isang masugid na komentaryo sa umiiral na uri ng kamalayan na lubhang nakapailalim sa kapangyarihan ng kolonyal, Kristiyanisado, at Amerikanisadong sibilisasyon na itinanim ng mga kolonyalistang Kanluranin sa loob ng apat na siglo. Hindi naman nilalahat ni Rio Alma ang masamang epekto ng sibilisasyong Kanluranin. Ngunit maraming katutubong nagisnan at banyagang nakamihasnan ang dapat diumanong iwaksi upang higit na umunlad ang isip ng mga Filipino, makaahon sa kamangmangan ang mga dukha, at kahit ang mga edukado, at highit na umiral ang demokrasya at katarungan sa ating bansa. Makikinis parin at matatalinghaga ang tula ng ating Pambansang Alagad ng Sining, ngunit higit ngayong nakatuon sa pagtukoy ng mga hadlang sa kalayaan at kaunlaran ng sambayanan. Inihahandog ni Rio Alma ang pagtula niya kaugnay ng kaniyang “Tinging Filipino” sa pagsuri ng kultura at kasaysayang pambansa at sa kampanya ngayon ng mga makata na “Ibalik ang Tula sa Puso ng Madla.”

 

ABOUT THE AUTHOR

Si Rio Alma (sagisag-panulat ni Virgilio S. Almario sa pagtula) ay ipinahayag na National Artist o Pambansang Alagad ng Sining noong 2003–ang pinakamataas na gawad ng Filipinas sa mga manlilikha sa kasalukuyang panahon. Iginawad sa kaniya ang naturang premyo ng pamahalaan dahil sa kaniyang kahanga-hangang talino at walang-humpay na pagsisikap sa pagsulat at pagpapaunlad ng pagtula at kritisismo sa wikang Filipino. Kinikilala rin ang kaniyang ambag sa pagpapalaganap ng modernong panitikan at aklat pambata, pag-oorganisa ng mga palihan at seminar para sa edukasyon ng mga kabataan manunulat, aktibong pagpapalaganap at pagpapaunlad ng Wikang Pambansa, at propesyonalisasyon ng pagsalin. Bukod sa isang tinitingalang makata at kritiko, isa rin siyang iginagalang na guro sa wika, panitikan, at kasaysayan, at isang lider sa gawaing pangkultura.

RELATED PRODUCTS

You haven't viewed at any of the products yet.