UP Press

I am currently on vacation and products from my shop will be unavailable for next few days. Thank you for your patience and apologize for any inconvenience.

Himagsik ni Emmanuel

180.00

ni Domingo G. Landicho

ISBN/ISSN: 9715421083
Category: Literary, Fiction, Novel
Copyright: 1996
Pages: 194pp
Dimensions: 6 x 0.6 x 9 in.
Type: PB/BP

SKU: 00006 Categories: , Tag:

DESCRIPTION

ABOUT THE BOOK

Ang nobela ay isang pagsasabuhay sa kasaysayan ng pag-ibig, buhay, at pananalig. Bagama’t ang balangkas ng nobela ay tungkol sa isang trahedya ng pag-ibig at himagsik sa dogmatismo, ang nakapaloob na diwa ng kasaysayan ay ang pagbabalik-tanaw at pagsusuri sa ispiritwalidad ng tao. Tumakas si Emanuel sa ngalan ng laya at pag-ibig at ang korona ng ganitong paghahanap ay ang pagkakatuklas sa gayuma ng trahedyang lumagom sa kanya. Sinisikap ng nobela na itampok sa salaysay ang pilosopiya at kasaysayan ng pananampalatayang Pilipino at buksan ang ubod ng ispiritwalidad at pananaw ng lahi. Sa naratibong istruktura papanaw si Emmanuel nguni’t pagkalipas ng maraming taon, babalik ang bagong Immanwel para ipagpatuloy ang isang ispiritwal na paglalakbay.

 

ABOUT THE AUTHOR

Premyadong manunulat, awtor ng 25 aklat ng tula, maikling kuwento, dula, literaturang pambata, talambuhay, at mga aklat pampaaralan, si Domingo G. Landicho ay maituturing na isa sa pinakaaktibo at mabungang manunulat sa kasalukuyan. Siya ay propesor ng Malikhaing Pagsulat at Panitikan sa Departmento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagtapos siya ng PhD sa Pilipinolohiya sa UP. Isa rin siyang artista sa tanghalan, telebisyon at pelikula, brodkaster sa radyo, kolumnista, at isang Execom Member ng National Commission for Culture and the Arts. Nakapaglakbay na siya sa iba’t ibang bansa bilang isang manunulat. Kasal siya kay Edna May Obien, isa ring manunulat, artista, at propesor. May apat silang anak na lahat ay kasangkot sa larangan ng musika, tanghalan, pagsulat, at sining biswal. Isinilang noong Agosto 4, 1939, anak ng isang magsasaka.

RELATED PRODUCTS

You haven't viewed at any of the products yet.