UP Press

I am currently on vacation and products from my shop will be unavailable for next few days. Thank you for your patience and apologize for any inconvenience.

Isang Taong Resty

500.00

ni Jov Ortua Almero

ISBN/ISSN: 978621090108-5
Category: Literary; Fiction; Novel
Copyright: 2025
Pages: 208pp
Size: 6×9
Type: PB/SP

SKU: 0741 Categories: , Tag:

DESCRIPTION

ABOUT THE BOOK

Lalong pinagtibay ng Isang Taong Resty ang alam ko nang kahusayan ni Jov Ortua Almero na magsilid ng mga karaniwang buhay sa nobela, maghulma ng kasalukuyang anyo ng realismo sa pagkatha na may marubdob na pagmamahal sa mga taong gusto lang “mamuhay nang may dignidad” samantalang naghahanap ng buhay at kapalaran. Nang mabasa ko noon ang una niyang nobelang Isang Dekadang Resty, wala akong magawa kundi mamangha sa nobelista, mahalin ang batang tauhang si Resty, at mangarap ng isang mas mabuting mundo para sa kaniya. Sa pagpapatuloy ng kuwento niya sa bagong nobelang ito, malaki na si Resty, at isang taong nagsisikap kumatha ng sariling buhay samantalang humaharap sa inaakalang pagwawakas ng mundo, mga posibilidad ng pagmamahal, patong-patong na pagkabigo, at pira-pirasong paglaya’t pagpapalaya. Sa bandang huli, tungkol ito sa mga binabago’t hindi mababago ng panahon—tulad ng lahat ng mahuhusay na nobelang nagpapaalala sa atin kung ano’t para saan ang ating mga ipinaglalaban. Napakahirap bitiwan ng nobela kahit nang matapos ko nang basahin ito, at sigurado akong isa si Resty sa mga tauhan sa panitikan na hindi ako iiwan sa loob ng mahabang panahon.

—Edgar Calabia Samar, may-akda ng Janus Silang

 

ABOUT THE AUTHOR

Si Jov Ortua Almero ay ipanganak at lumaki sa probinsya ng Camarines Sur. Nagtapos siya ng kursong Development Communication sa Ateneo de Naga University at Creative Writing sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Ang kaniyang mga akda ay nailathala na sa Likhaan, Kritika Kultura, Philippines Graphic, at iba pa.

RELATED PRODUCTS

You haven't viewed at any of the products yet.