UP Press

I am currently on vacation and products from my shop will be unavailable for next few days. Thank you for your patience and apologize for any inconvenience.

Maikling Kasaysayan ng Dalita: Mga Kuwento

550.00

ni Honorio Bartolome de Dios

ISBN/ISSN: 978621090136-8
Category: Literary, Literary – Short Stories
Copyright: 2025
Pages: 224pp
Dimensions: 6 x 1 x 9 in.
Type: SB/PB

DESCRIPTION

ABOUT THE BOOK

Ito ang poetika ng pag-akda ng pag-unlad. Gamit ang mga sangkap ng maikling kuwento, pinagsisilbing espasyo ang malikhaing akda sa matalas na pagmumuni at pagsipat sa komplikadong laro at inter-aksiyon ng mga nagtutunggaliang pananaw at pagpapakahulugan sa pag-unlad at kung paano nito naiimpluwensiyahan ang mismong proseso ng pag-unlad. Ang mga akda sa koleksiyong Maikling Kasaysayan ng Dalita, Mga Kuwento ay pagtatangkang patingkarin ang tunggaliang ito ng mga pananaw at magdalumat kung kaninong pananaw at anong modelo ng pag-unlad ang binibigyang-halaga at namamayani: ang sa maralita o ang sa naghaharing-uri at iba pang makinarya ng estado?

ABOUT THE AUTHOR

Humigit-kumulang tatlong dekadang nagtrabaho bilang manggagawang pangkaunlaran sa iba’t ibang non-government organization si Honorio Bartolome de Dios. Sa panahong ito niya kinatha ang mga kuwento ng pakikibaka ng mga maralita at nasa hanggahan ng lipunan na kaniyang nakasalumuha. Nang maging guro sa gawaing pagpapaunlad ng pamayanan sa Unibersidad ng Pilipinas, ang kaniyang mga karanasan ay naging balon ng mga patunay at pagtatanong tungkol sa pagpapakahulugan ng karalitaan at kaunlaran sa mga talakayan sa klase. Mula sa kaniyang mga fieldwork, hinabi niya ang mga kuwento ng mga batayang sektor. Inilimbag ng UP Press ang una niyang koleksiyon ng maiikling kuwento, ang Sa Labas ng Parlor (1998).

 

RELATED PRODUCTS