Mitos (The Philippine Writers Series 2025)
₱550.00
ni Will P. Ortiz
ISBN/ISSN: 978621090123-8
Category: Literary; Short Stories; Fiction; Geographical Myths
Copyright: 2025
Pages: 236pp
Dimensions: 6 x 0.5 x 9 in.
Type: PB/SP
DESCRIPTION
ABOUT THE BOOK
Sa pamamagitan ni Mitos at ng kanyang mga kaibigan, hinahamon ng awtor sa nobelang ito ang kabataan at ang iba pang mga mambabasa na tuklasin at payabungin ang sariling lakas, husay, at kapangyarihan at gamitin ang mga ito hindi lamang para sa sarili kundi para na rin sa ikabubuti ng kapuwa. Kakaiba ang lapit ni Will sa pagsasalaysay—akma sa kabataang mambabasa. Sa pamamagitan ng maikli at mabilis na daloy ng mga kuwento ay naipapahayag niya ang kasaysayan at danas ng bayan—mga danas na mahalagang malaman at maunawaan ng kabataan, nang sa gayon ay buong-buo nilang maisaloob, maisakatawan, at maisakilos ang tapang at paninindigan, katulad ni Mitos na walang takot na sumayaw upang ipahayag ang mga nangyayaring karahasang ikinukubli ng mga may hawak ng kapangyarihan. Ganito ang mga kuwentong dapat basahin ng kabataan.
—Rowena P. Festin
Guro at Premyadong Manunulat, UP Pampanga
ABOUT THE AUTHOR
Si Will P. Ortiz ay guro at manunulat. Nanalo na siya ng Palanca Awards. Ang aklat niyang Bugtong ng Buwan at Iba Pang Kuwento (UP Press, 2011), binubuo ng maiikling kuwento ukol sa mga batang manggagawa, ay nanalo naman ng Madrigal-Gonzalez Best First Book Award. Nakatutok sa tinatawag niyang “kagila-gilalas na realismong bayan” ang kanyang mga panulat tulad ng Ang Pagbabalik ni Maria Makiling: Unang Aklat (UP Press 2015), Si Maria Makiling at ang Alamat ng Animas Anya: Ikalawang Aklat (UP Press, 2018), Si Maria Makiling at ang Lihim ng Lagusang Dalem: Ikatlong Aklat (UP Press, 2024), at Si Maria Makiling sa Sinapupunan ng Hukluban: Ikaapat na Aklat (UP Press, 2024). Nalathala na rin ang kanyang mga artikulo ukol sa panitikang pambata sa loob at labas ng bansa. Nakatuon ang kanyang mga panulat at pananaliksik sa usapin ng bata, babae, bayan,
at kagila-gilalas.