Si Maria Makiling sa Sinapupunan ng Hukluban: Ikaapat na Aklat
₱500.00
ni Will P. Ortiz
ISBN/ISSN: 9786210900750
Category: Literary; Novel; Fiction
Copyright: 2024
Pages: 196pp
Dimensions: 6 x 0.7 x 9 in.
Type: PB/BP
DESCRIPTION
ABOUT THE BOOK
Huling aklat na ng buhay ni Maria Makilng—bilang si Aya, bilang bata, bilang diwata. Ito na ang katapusan. Naglaho ang mga diwata—walang Dasig, walang Dian, walang Aman, walang Saro, walang Kure, at lalong walang Namnama. Kailangang mahanap ni Aya ang Sandalan upang magbigay-gabay sa paglalaho ng Lagusang Dalem at paghahanap sa Hukluban. Kailangang matagpuan ang sinapupunan ng Hukluban, buwisan man ng buhay, upang mahanap ang mga nawawala.
ABOUT THE AUTHOR
Nagtapos si Will P. Ortiz ng pag-aaral sa gradwadong antas nang sulatin niya ang ikatlong bahagi ng buhay ni Aya Aquiling. Bata pa siya nang maimpluwensiyahan ng mga kuwento ng Lola Dolores ukol sa kagila-gilalas. Mas naging malalim ang pasya niyang sulatin si Aya nang makipamuhay sa paanan ng Banahaw, at higit isang dekada na iyon. Siya ang diwatang napapangarap niya sa literal, dahil pumapasok ito sa di-malay (subconscious) niya sa pagtulog. At sa metaporikal na kahulugan din—tagapagtanggol ng bayan at nasa gilid ng lipunan.