Posted on

UP Press at the 2023 UP Lantern Parade

Lulan ng payak na parol ng University of the Philippines Press ang representasyon ng tala at aklat—na kapwa nagbibigay ng liwanag. Sa nakalipas na limampu’t walong (58) taon ng UP Press, nakapaglimbag ito ng mahigit na sanlibong aklat na kumakatawan sa iba-ibang larangan ng arte at humanidades, agham panlipunan, siyensiya at teknolohiya, ekonomiks at managament. Naniniwala ang UP Press na ang mga aklat na ito ay hindi lamang nakapagbahagi ng mga bagong kaalaman at karunungan sa mga mambabasa. Bawat akto ng pagbabasa ay akto rin ng pagpapatalas ng isip at pagmumulat. Nakasalalay din dito, kung gayon, ang pagbuo ng panibagong lakas ng bayan.
 
Bitbit din sa ginawa nilang sombrero ang pabalat ng tatlumpu’t dalawang (32) aklat na nailimbag ng UP Press ngayong 2023. Ilulunsad ang mga ito sa unang bahagi ng 2024. Tara na’t magbasa, mamulat, at pag-ibayuhin ang panibagong lakas tungo sa bukas na laganap ang liwanag.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Kuha ni Alvin Encarnacion.
Â