Ang Butihing Babae ng Timog / Mac Malicsi, TNT
₱135.00
ni Jose Y. Jr. Dalisay
ISBN/ISSN: 971-542-142-3
Category: Literature; Short Stories; Filipino
Copyright: 1997
Pages: 134pp
Dimensions: 6 x 0.5 x 9 in.
Type: PB/BP
DESCRIPTION
ABOUT THE AUTHOR
Premyadong mandudula sa Filipino at kwentista sa Ingles si Jose Y. Dalisay Jr. Bukod dito, nagsusulat din siya ng mga dulang pampelikula, tula, at sanaysay. Naitanghal na ang kaniyang mga dula sa CCP, Raha Sulayman, Metropolitan Theater, UP, UST, Ateneo, at iba pang mga tanghalan, at maging sa mga pestibal sa Singapore at Taiwan.
Isinilang siya noong Enero 15, 1954 sa Alcantara, Romblon. Lumaki siya sa Maynila, at nag-aral sa La Salle Green Hills, Philippine Science High School at Unibersidad ng Pilipinas. Matapos ang ilang taong pagli-liwaliw at panunungkulan sa iba’t ibang opisina-sa Philippines Herald, Taliba, National Economic and Development Authority, at United Nations Development Programme-bumalik siya sa akademiya upang ta-pusin ang kaniyang AB English (cum laude, 1984). Sinundan niya ito ng pag-aaral sa Amerika, kung saan niya tinapos ang kaniyang MFA. Creative Writing (Michigan, 1988) at PhD English (Wisconsin-Milwaukee, 1991).
Nakapagtamo na ng apat na National Book Award mula sa Manila Critics Circle ang kaniyang mga aklat. Hinirang siyang 1993 TOYM Awardee para sa kaniyang panulat.
Sa kasalukuyan ay nagtuturo siya ng Ingles at makathaing pagsulat sa UP Diliman, at nagsusulat din siya ng isang lingguhang kolum para sa diyaryong TODAY.