Mga Bugtong ng Balagbatbat
₱600.00
ni Telesforo S. Sungkit Jr.
ISBN/ISSN: 978621090129-0
Category: Literary, Literary – Short Stories
Copyright: 2025
Pages: 224pp
Dimensions: 6 x 1 x 9 in.
Type: SB/PB
DESCRIPTION
ABOUT THE BOOK
Sinusubaybayan sa Mga Bugtong ng Balagbatbat ang buhay ni Walu Nalandangan hu Walu Talugan (Walu Nalandangan mula sa walong dakilang bahay/angkan) na mas kilala bilang si Melchizedek Makaindan.
Inilahad sa kuwento ang mahahalagang mga pangyayari sa buhay niya mula pagkabata hanggang sa kanyang kamatayan. Nakahabi sa takbo ng buhay niya ang iba’t ibang isyung kinaharap at patuloy na kinakaharap ng lipunang Higaonon/katutubo.
ABOUT THE AUTHOR
Si T.S. Sungkit Jr. ay manunulat na Higaonon. Nagawaran na ng mga parangal ang kaniyang mga nobela: ang Batbat Hi Udan na naparangalan sa 10th Madrigal-Gonzales Best First Book Award; ang Mga Gapnod sa Kamad-an na nagwagi sa 2007 NCCA Writers Prize ng National Commission for Culture and the Arts; ang Ang Agalon sa mga Balod na nagwagi sa 2011 NCCA Writers Prize. Samantala, ang kanyang nobelang Mga Tigmo sa Balagbatbat ay pinagkalooban ng NBDB Trust Fund for Writers grant.
Isa rin siyang makata. Ang tula niyang I Higaonon ay nalimbag na sa mga antolohiya at teksbuk ng hayskul. Mababasa ang koleksiyon niya ng mga tulang Cebuano sa www.balaybalakasoy.blogspot.com sa sagisag panulat na Anijun Mudan-udan. Nagsusulat siya sa wikang Higaonon, Cebuano, Filipino, at Ingles. Higit sa lahat, tatay siya nina Ananaw (Ang Minamahal) at Anijun (Ang Nagliliwanag) at asawa ni Liza