Banayad: Mga Tula
Ang tinig ng makatang babae sa kontemporaryong panahon ay “tinig” ng katawan at kaluluwang matagal nang ikinulong sa loob ng garapon, ngunit ngayo’y nakapailanglang na, dahil kinilala na rin ang larangan ng personal bilang larang na politikal, dahil kinilala na rin ang ambag ng mga may-, kasam-, sa bahay, upang maakda ang talam- at akdang buhay. Hindi na mga multo sa panitikan sa Pilipinas ang mga babaeng makata—nanuot na sa kamalayan ang mga akda nina Benilda Santos, Lilia Quindoza Santiago, Marra PL. Lanot, Aida Santos, Merlie Alunan, Lina Sagaral Reyes, Rebecca Añonuevo, Merlinda Bobis, Maningning Miclat, Rowena Festin, at marami pang iba.
— Luna Sicat Cleto Mula sa Paunang Salita
Tungkol sa May-akda
Si Rowena P. Festin, nanay nina Aya, Ada, at Gabriel, ay ipinanganak at lumaki sa San Roque 2 sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro, isang baryong malapit sa dagat at abot tanaw ang kabundukan ng Halcon. Siya ay editor, tagasalin, makata, kuwentista, guro, at mananaliksik. Ang kanyang mga tula at maikling kuwento ay nagkamit ng mga pagkilala sa Palanca Awards, Gawad Galian, at Gantimpalang Ani; kinilala rin siyang Makata ng Taon ng Komisyon sa Wikang Filipino. Ang kanyang mga kritikal na sanaysay tungkol sa panitikan at kulturang Pilipino, mga tula, at maikling kuwento ay nailathala na sa mga lokal at internasyonal na dyornal at antolohiya.