Lila ang Kulay ng Pamamaalam
May lalaki. May babae. Pero hindi ’to k’wento ng pag-ibig. Ng romantikong pag-ibig. Para sa sumulat, ito ay k’wento ng pamamaalam, ng pagyakap at pagtanggap sa buong konsepto nitong binalot ng realidad ng seksualidad, mga ’di naipadalang liham, at mga panaginip na nakaangklasa mga gunita ng nakalipas.Pero baka sa’yo, bilang mambabasa, iba ang kahulugan ng nobelang ’to.Balikan ang naglahong alindog ng Imus sa saliw ng himig ni Ely Buendia at ng Eraserheads, ng mga awit ng The Beatles at ni Morrissey, ng pighati at paglalambing ni Coltrane, Ellington, at Davis, ng walang kapares na tinig ni Rico J. Puno at panulat ni Rey Valera, ng kapayakan at aesthetisismo ng dekada ’90, at ng latay na pakikipagtipan ng 1956 Sori Yanagi Butterfly stool sa blankong C120 cassette tape para mabigyang sagot ang ’sang tanong na kumakalmot sa eskinitang lumbay:ANO NGA BA TALAGA ANG KULAY NG PAMAMAALAM?
Tungkol sa May-akda
Hindi tinapos ni RM Topacio-Aplaon ang kursong Fine Arts and Design sa University of Santo Tomas noong 2005 at nabigo siya ulit matapos ito sa Philippine Women’s University noong 2008. Sa ngayon, ipinagpapatuloy niya ang pag-aaral sa lansangan, sa paglalakbay sa mga laberinto, kalyehon, pisngi, at balikat nito. Ipinanganak at nagkamuwang siya sa noon ay tahimik pang bayan ng Imus, Cavite.
Siya rin ang pinaniniwalaang tanging nakakaalam ng pinaglibingan ni Meowie, at kung nasaan na ngayon si Carmina Dixson.