Media at Lipunan
THE MEDIA AND COMMUNICATION TEXTBOOK SERIESSeries Editors: Rolando B. Tolentino and Patrick F. CamposThe Media and Communication Textbook Series is jointly published by the Office of Research and Publication of the University of the Philippines College of Mass Communication and the University of the Philippines Press. The series features critical and theoretical writings by Filipino scholars that shed light on communication and media studies in the context of Philippine culture and society.The textbook series includes Communication and Media Theories.
Tala sa mga editor
Si Josefina M. C. Santos ay guro sa Depar-tamento ng Komunikasyong Pambrodkast sa Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Tumanggap na siya ng dalawang award mula sa presidente ng UP para sa pagsusulat ng mga chapter sa mga international publication. Executive producer siya ng limang programa sa DZUP at host sa dalawa sa mga ito.
Si Rolando B. Tolentino ay dekano ng Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla at fakulti ng UP Film Institute. Siya ay nakapagturo na sa Osaka University at National University of Singapore, naging distinguished visitor ng UC-Berkeley at UCLA Southeast Asian Studies consortium, at tumanggap ng Obermann Summer Research Fellowship. Ang kanyang interes sa pananaliksik ay panitikan, kulturang popular, pelikula at media ng Pilipinas, at pagsasanib ng mga isyung nasyonal at transnasyonal. Siya ay tumanggap ng UP Artist 2 Productivity Award, UP Centennial Professorial Chair, National Book Award (Manila Critics Circle), at Writer’s Prize (National Commission for Culture and the Arts). Nagsusulat siya ng kuwento at sanaysay, at fellow ng UP Institute of Creative Writing. Siya ay kasapi ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (Filipino Film Critics Group) at ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND-UP).