Mga Tula

Ang tatlong paborito kong manunulat na Pilipino ay sina Amado Hernandez, Nick Joaquin at Gelacio Guillermo.— Jose Ma. SisonPara sa poetry workshop, inatasan ng mga upisyal ng bilangguan [sa Camp Bagong Diwa] ang grupo na ibigay na lang ang mga materyal sa mga babaeng myembro ng Morong 43. Pero matapos siyasatin ang mga materyal, iniutos ng deputy warden na kumpiskahin ang mga handout dahil ‘subersibo’ ang mga ito. Partikular na tinukoy ng deputy warden ang tula ni Gelacio Guillermo na pinamagatang “Kokak.”— Artists Arrest at Defend-STMaraming salamat, Mang Gelas, dahil muli mong binuhay ang galak na dulot ng bawat talata, bawat talinhaga, bawat tuldok. Salamat sapagkat di mo man sinasadya ay itinuro mo sa akin kung nasaan ang mga salita, at salamat at nakilala kita (sa wakas) at ipinaalala mo ang angking dangal ng tinig ng tulang hinugot sa pagtutol at pakikibaka.— Gene NisperosKahit ano’ng itawag sa sulating ito—pangmasang sining, panulaang bayan, panitikang komited—si Gelacio ang pinakamahusay na nagsusulong niyon. ’Pagkat ang mga tula sa aklat na ito ay tungkol sa masa at sila ay sining. Nangungusap sa tinig ng mamamayan at sila’y panulaan, komited sa buhay at pagmamahal at sila’y panitikan. Dito nabibigo ang karamihan. Sila’y pangmasa, sila’y makabayan, sila’y komited, pero hindi sila mga tula. Narito sa Azucarera ang pagsasapraktika ng tunay na dialektika. Narito ang daigdig na hinimay hanggang sa pinakaubod. Narito ang buhay na nilubos at taimtim na pinagmuni-munian. Narito ang alay ng tanaw at lukso ng puso. Narito ang hikbi at awit mula sa kaibuturan ng isang tao na mangyaring hikbi’t awit din ng iba.— Conrad de QuirosAng sumunod na gabi ay nailaan sa mga tulang ‘stylish’ at may kamalayang panlipunan. Nagbasa ang Pilipinong si Gelacio Guillermo, ang Hungarian na si Peter Kantor, ang Brit na si James Fenton, ang Israeli na si Moshe Dor at ang South African na si Sipho Sepamla ng mga akda, humigit-kumulang, hinggil sa pagbangon at pagbagsak ng mga sistemang pampulitika. Hiniling nito sa mga makata na maiangat nila ang mga di-matulaing paksa sa mataas na uri ng panulaan. At nagtagumpay sila sa pinakamaraming kaso.— Peter Swanborn
Si Gelacio Guillermo ay ipinanganak noong 1940 sa Hacienda Luisita sa San Miguel, Tarlac, at nagtrabaho sa ilang kabyawan sa Central Azucarera de Tarlac. Nagtapos ng AB English sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, 1964. Tumanggap ng writing fellowships (1967 Summer Institute of Philippine Literature, Ateneo de Manila University; International Writing Program, Iowa University, 1970–1971; National Fellow for the Essay 1989–1990, UP Creative Writing Center), Gawad Inangbayan (Polytechnic University of the Philippines, 1991), Gawad Marcelo H. del Pilar (College Editors Guild of the Philippines, 2007), Gawad Makata ng Bayan (Kilometer 64, 2009), Distinguished Achievement Award (UPDECL Centennial, 2011). Bumigkas ng kanyang mga tula sa Iowa at Wisconsin, 1970; sa Hyogo-ken, Japan, 1995; at sa 27th International Poetry Festival sa de Doelen, Rotterdam, at Utrecht, Netherlands, 1996. Nakalista sa pandaigdigang Poezie Centrum.
Kabilang sa kanyang trabaho ang Sa Loob at Labas ng Piitan, Isinapilipinong Mga Tula ni Jose Ma. Sison (AVHRC, 2004), “Direktoryo ng mga publikasyong pampanitikan ng kilusang pambansa-demokratiko, 1968–2000,” kapatnugot (2000, dating on-line), Muog, kapatnugot (UP Press, 1998), Azucarera (Sipat, 1994), The New Mass Art and Literature (Kalikasan Press, 1988), Kabanbanuagan (ARMAS, 1987), at Magsasaka: Ang Bayaning Di Kilala, kapatnugot (LINANG, 1985).