Tutubi, Tutubi, ’Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe

Ang Tutubi, Tutubi, ’Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe ay pagtatangka ng awtor na isalaysay ang mga unang araw ng batas militar “sa panahong hindi puwedeng sabihin nang deretso ang nasa isip.” Bunga ito ng kanyang eksperimento sa paggamit ng satire upang masabi ang bawal “nang hindi makakagalitan” o sa paraang matatawa lang ang nakarinig (mula sa Paunang Salita ng may-akda).

Nanalo ang nobelang ito ng grand prize sa Palanca noong 1982. Unang inilathala ng New Day Publishers noong 1987, nagkamit din ito ng National Book Award mula sa Manila Critics Circle.

ABOUT THE AUTHOR
Mula nang unang manalo ng Palanca si Jun Cruz Reyes, nagbibigay na siya sa mga out-of-school youth, may-edad na nagnanais magsulat, at high school students ng libreng workshop tuwing Sabado—at isang malaking taunang workshop—sa Hagonoy, Bulacan. Ang marami sa mga produkto ng kanyang workshop ay nakarating sa UP, nanalo ng Palanca, at maihahanay na sa mga batikang manunulat.

Paboritong anyayahan si Jun Cruz Reyes sa mga national workshop at malapit sa kanya ang maraming kabataang manunulat. Pinagsisikapan niya ngayon ang pangangalap ng mga aklat para maitaguyod ang panitikan sa mga eskuwelahang pambar